CHAPTER 34

2.3K 29 0
                                    

"Is it true that you were so obsessed with Angelina ever since she's young?" Nagtawanan ang lahat sa tanong ni Archer kay Aless. Kahit ako ay hindi ko mapigilang hindi tumawa ng malakas. It's part of ate Abigayle's pakulo. Dapat daw may fun questions from close friends to add fun also to the party. It's our engagement party. All of our close friends and family are invited.

"That is not a question, Archerius. You're broadcasting to the world that I was obsessed" he answered to his cousin. Tatawa tawa naman ang sira ulong si Archer na ipinasa ang mic sa katabi. Archerius pala totoong pangalan ng loko niyang pinsan. Mukhang pang masamang tao talaga.

"Was? Ibig sabihin hindi ka na obsessed sakin ngayon?" Tanong ko sakaniya. Saakin naman tumingin si Alessandro. She tucked some few hair strands of my hair in the back of my ear.

"Not that obsessed anymore. I am in love with you now" Nagpipigil lang akong huwag mapatili dito dahil magmumukha lang akong tanga. Sobrang hot niya kapag sinasabi niya sa harapan ko na inlove siya saakin. Parang gusto ko na lang gumulong gulong sa lupa.

Holyshit. Ikakasal na kami't lahat, ganito pa rin ako kiligin sakaniya. Parang teenager.

Natigil lang ako sa kakangiti nang mahina siyang natawa sa itsura ko. Do I obviously look so crazily inlove? I can't help it. I'm not good at hiding my feelings. Wala naman akong pakialam kung malaman niya ang kung ano mang tumatakbo sa isipan ko.

"Tama na muna titigan niyong dalawa diyan, paki answer ng question ko muna" sabay kaming nahimasmasan sa boses ni Cherry sa mic na matinis. "Anj. Juskoo. Enjoy na enjoy sa titig ni Morelli"

Sinamaan ko ng tingin ang letsugas kong bestfriend. Napuno ng tawanan ang venue sa pinagsasabi niya.

"Iba talaga titig niyan ni Seb. Nakakabaliw" dugtong naman ni Archer.

"Kaya nga baliw na baliw ang bestfriend ko eh. But don't forget the letter g. Mawiwindang ang madla" this girl is so annoying. But i don't know, she easily gets the attention of everyone. Aliw na aliw naman sa pakikinig sakaniya ang mga narito sa engagement party namin. Tawang tawa sa pinagsasabi niya.

"She's crazy" si Alessandro

"Yeah. Ganiyan talaga yan" napailing na lang ako.

"Anj. Totoo ba na nagkunwari ka lang na kailangan mo ng pera nung niyaya ka ni Morelli, dahil ang totoo gusto mo din siya makasama ng three days?" Napanganga ako sa tanong niya. Habang ang lakas ng tawanan ng pamilya ko, pamilya ni Alessandro, mga kaibigan namin at pati na din itong lalaki sa tabi ko. Tawang tawa. Di ba bentang benta talaga itong si Cherry.

Napanguso ako at nag crossed arms. Nagpipigil ng tawa si Alessandro nang makita ang expression ko.

"Angelina? Notice me please" I mouthed her the word 'tangina'. Tinawanan niya lang ako. She's enjoying it kahit pinapahiya na niya ako ng ganito. "And is it true na hinabol mo sa airport si Sebastian Morelli dahil hindi mo din naman kayang umalis siya pagkatapos mong iwan at sungitan—" I can't take it.

Umalis ako sa pagkakahawak ni Alessandro at nilakad ang distansya papunta kay cherry para kunin ang mic sakaniya. Lumakas ang tawanan nila, nangingibabaw ang tawa ni Archer.

"I just want to throw a question" pagpapaawa pa nito.

"Hindi yun question." I motioned her to take a sit. Humaba pa ang nguso nito habang naglalakad pabalik sa inuupuan niya. Parang bata lang na pinagalitan.

Mabuti naman at matitino na yung mga sumunod na nagtanong saamin. We made a toast after, that led by our parents, few speeches and the last part is dancing. Madilim na ang paligid nang sumayaw kami ni Alessandro na nakatitig lang sa isa't isa. No words appeared before us as we swayed our bodies under the little lights of their garden.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now