CHAPTER 25

2K 32 0
                                    


He stopped the jetski and jumped onto the water to swim. I just stay there and watch him run his palm through his wet hair. Nag iwas ako ng tingin nang tingnan niya din ako mula rito sa taas niya. Sa tuwing tumitingin ako sa kaniya ay lalo lang itong guma-guwapo sa paningin ko. It's not right but I can't help this feeling.

"Let's swim, come here" anyaya niya pero umiling lang ako.

"Ayoko di ako marunong lumangoy"

"I'll hold you" lalong ayoko. Tsk

"Huwag na. Dito lang ako" ngumiti ako ng pilit.

Hindi siya lumayo ng langoy sa puwesto ko at hinahawakan niya pa ang jetski na bahagyang hinahangin. Natatakot akong mahulog. Baka kung may anong humila saakin dito. Kaya kahit marunong pa rin akong lumangoy ay pakiramdam ko hindi ko kakayanin na maligo sa ganito kalalim na dagat.

Baka hilahin na lang ako ng kung anong nilalang diyan sa ilalim. Tuturuan na niya sana ako kung papaano gamitin itong jetski nang makarinig kami ng andar ng makina na papalapit saamin. Sabay naming nilingon kung ano iyon.

Natanaw ko nga ang isa ring jetski na papalapit sa may puwesto namin dito. Akala ko dadaanan lang kami pero tumigil ito sa harapan namin. Nang makilala ko ay si Regan pala ito at si Kylie. She's wearing a pink bikini that suits on her beautiful body.

Nang tinigil ni Regan ang makina ay wala itong pag aalinlangan na tumalon at lumangoy palapit kay Alessandro. She's the real definition of epal. Probably she has no idea about being rude when intruding someone's moment. Napairap na lang ako sa hangin at bahagyang ginalaw galaw ang manibela ng jetski kahit hindi umaandar.

"Bakit umalis ka kaagad? Hindi mo pa nga nakikita ng buo eh" I heard Kylie said and Alessandro just laughs fraily. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na nakatalikod saamin ngayon at medyo lumalangoy palayo. Ano bang hindi pa nakikita ng buo ni Alessandro?

There's a whisper force in the back of my head to jump and pull her hair in annoyance. Nagngingitngit na ang ngipin ko sa galit. Kung hindi lang ako tinawag ni Regan baka ginawa ko na yung pumapasok sa isipan ko kahit di ako marunong lumangoy.

"Sorry pala kanina. Bago pa ako makapunta sayo eh hinarangan niya ako." Sabi ni Regan at nginuso si Alessandro. Tumango lang ako at mahinang ngumiti. Ganiyan naman talaga yan eh. Ang galing magparamdam na interesado siya sayo pero isasantabi ka rin sa huli.

Sinulyapan ko ulit ang dalawa at nararamdaman ko na ang ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hindi dapat ako umiiyak dito. It's just three days, bakit ang tagal tagal nito matapos? Bakit hindi ako nag eenjoy? Siya ang mas nag eenjoy saamin. Ako laging parang nawawalan.

"Regan. Pakihatid na ako sa dalampasigan" malumanay kong pakiusap sa lalaking kaharap ko. I'm trying so hard not to cry here. Taka niya naman akong tiningnan pero lumapit pa rin saakin gamit ang sinasakyan niyang jetski.

"Eh pano si—" hindi ko na pinatapos pa

"Hayaan mo na yan" suminghot ako at nagpaalalay sakaniya na makalipat sa kaniyang jetski. Sa may likuran niya lang ako pumuwesto. Pinigilan ko si Regan nang akmang magpapaalam pa ito. Bahala sila sa mga buhay nila. Hindi na ako magtataka kung may nangyayari na sa kanilang dalawa. Si Alessandro pang kahit sino pinapatos niya basta maganda.

Nang paandarin ni Regan ang makina ay narinig ko pang tinawag ni Alessandro ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Inis kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Hindi dapat ako ang umiiyak dito. Dapat mas masaktan siya kasi sinamahan ko lang siya dito para sa pera niya. But why does it have to feel this hurt? Where is this damn pain coming from? Naka move on na ako sa kaniya. Hindi puwede ito.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now