CHAPTER 16

2.2K 34 0
                                    

Nang dumilim na ay nagpasya kaming pumunta sa mini bar dito sa isla. Madaming tao pero nakipagsiksikan kami hanggang sa makapasok at makahanap ng puwesto sa loob. Kahit hindi naman ako umiinom ng todo ay sumama pa rin ako. Nagkakatuwaan ang mga pinsan at kaibigan ko and as usual hindi sumama si Razelle. Bukas na lang daw siya lalabas-labas ng beach.

Tumatagay din ako para sabayan sila kasi nandito din naman na ako. Pero ayoko ng sunod sunod baka mawalan na lang ako ng malay bigla dito tapos sila lasing na din.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Ariel sa bewang ko at hinalik halikan ako sa may leeg na parte. Marahan ko siyang tinulak dahil marahil ay lasing na din ito. Pero pinagpatuloy niya ang ginagawa. Nag iwas ng tingin saamin ang mga pinsan at kaibigan ko kaya nakaramdam ako ng hiya. Naglakas ng loob ako na magpaalam na mag c-cr muna. Mukhang may tama na si ariel kaya hindi nako control ang sarili.

Habang naglalakad papuntang cr ay madaming sumisipol saakin. Nakakabastos pakinggan kaya hindi ko na pinansin. Hinila hila ko pa pababa ang suot kong black fitted sleeveless dress. Nilugay ko nga lang ang mahaba at straight kong buhok para matakpan kahit konti ang parteng leeg ko.

Binilisan ko pa ang lakad ko nang may narinig ako na nagtatanong ng pangalan at number ko. Pagkapasok ko sa cr ay nanalamin lang ako at pinilit na maihi kahit hindi naman talaga naiihi. I put some pressed powder on my nose and cheeks. Mukhang pagod at antok na ako kahit konti lang nainom ko.

Naglakad ulit ako pabalik at this time wala ng sumisipol o nagpapapansin saakin kaya iniangat ko na din ang ulo ko. Mabuti naman na. Ngunit nang naiangat ko ang paningin ko ay nagkasalubong ang mga mata namin ni Alessandro. May mga kasama siyang tatlong lalaki at dalawang babae. They all look so expensive. Mukhang lahat mga mayayaman at hindi cheap katulad ko. Binagalan ko ang lakad ko para ngumiti ng bahagya sakaniya.

But he just stares at me with a serious look. His eyes never left me, it's fixed on me that made my knees trembled in nervousness. I stopped walking when he mouthed at me 'come here', he then tapped the space next to him, asking me to sit beside. Nagdadalawang isip pa ako kasi may mga kasama siya. Nakakahiya. He motioned his head to me kaya kahit nakakahiya ay lumapit na din ako. Sabay sabay na napatingin saakin ang mga kasamahan niya.

"Don't worry. They're about to leave" he said to me as I slowly sat down on his side but put some spaces between us. I don't want to be that close to him when his friends are looking at us. Alam kaya nila na kasal na ang kaibigan nila? Ano na lang sasabihin nila saakin.

"You want us to leave now, Morelli. Don't you?" Said the guy with a little scar on his face.

"What do you think, Dylan?" Sagot nito at nakaramdam ako ng hiya. Papaalisin niya pa ang mga kasama niya dahil saakin.

"He wants to be alone with his girl. He's fantasizing her for fucking yea—"

"Shut your mouth, Mikaela"

"Yes girl. You don't have to introduce yourself to us. We've already know you since then" Sabi naman nung Issa. Siya yung nakapulupot kay Alessandro kanina. Magkakaibigan pala sila.

"Oh. Is that the little girl he was talking about?" Sabat naman ng isang lalaki na kasing laki lang din ni Alessandro. He's a tan too and looks like a model.

"Oo, El." Natatawang sagot ng Mikaela sa lalaki.

"Okay then. Let's give them time to talk. This is Morelli's dream since then. Let's have a mercy on our dear friend" nagtawanan silang lahat.

"What the hell, Lucio?" hinarap isa isa ni Alessandro ang mga kaibigan niya at may kung anong sinenyas. Tawang tawa naman silang lahat sa kaibigan at inasar pa ito ng paulit paulit hanggang sa umalis na din sila isa isa. Nagpaalam na sila saakin at nahihiya akong ngumiti at kumaway din.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now