CHAPTER 22

2K 35 0
                                    


I took a glance on Cherry who's pouting her lips while sitting on the couch. She looks impatient. Usually mabilis lang naman ako mag ayos dahil light make up lang nilalagay ko. Pero ngayon parang hindi ako mapakali. Parang hindi ako makontento sa itsura ko. Kailan pa ako na conscious sa itsura ko? Simula nung manirahan ako sa America ay wala na akong pakialam sa kung anong itsura ko kahit na lumalabas ng bahay. Ngayon lang ulit.

I am wearing a faded blue skinny jeans, racerback halter croptop and my favorite martin high heel boots. Parang mamamasyal lang ako at hindi magtatrabaho. Cherry is also wearing a pink bodycon jumpsuit that looks so cute on her.

"Are you going on a date or something?" Cherry asked out of nowhere. Pumangalumbaba siya habang pinapanood ang ginagawa ko sa harapan ng salamin. Sinulyapan ko ulit siya through reflection at nakanguso pa rin ito.

"Ofcourse not. Sino naman ide date ko? I just want to look presentable... Will you stop pouting? baka magmukhang bibe ka na niyan mamaya" kaagad niya namang tinikom ang bibig. Natakot naman pala magmukhang bibe.

"I'm bored here. I want to go outside"

"Almost there—Okey I'm done" Kinuha ko na ang handbag ko na nakasabit sa may dingding. Nagcheck pa ako isa isa kung nandun na yung mga importanteng bagay. Nandun na rin yung card na ibabalik ko kay Alessandro. Niyaya ko ng lumabas si cherry at patalon itong umalis sa kinauupuan di alintana ang medyo mataas nitong suot na takong. Para lang itong gagala kung saan.

"Yes finally! After two hours of waiting. I think this is the first time that I waited you this long for fixing your make-up" mabilis ang pananalita niya at kahit na napaka inosente niya habang sinasabi niya iyon ay naaasar pa rin ako. Alam ko naman kasi sa sarili ko kung bakit ganito ako ka conscious ngayon sa itsura ko.

"Like I said, I just want to look presentable. I don't want to look terrible infront of my customers and lead my business at stake. Damn I gave my blood, sweat and tears for this, and I'm just gonna lose it because of my eyebags. Hell no" yes. Convince yourself, Angelina.

"Maganda ka pa rin naman even though you have eyebags so I bet people will still visit your cafe" she said. Mahina ko siyang kinurot sa pasimple niyang pambobola saakin.

We rode a taxi to reach the cafe and cherry as usual she never gets tired of talking. On the way here, she never stopped telling stories and asking me some random questions. Sakaniya ako natuto na maging bungangera at walang preno minsan ang bibig. Dati hindi naman talaga ako sumasagot kahit na nao-offend ako, ngayon lang. Natuto ako sa babaeng ito eh.

Since I'm taller than her and plus I'm wearing high heels I put my arms around her shoulders as we walk together towards the cafe. She's still talking for god's sake. Lagi naman akong nakikinig and she seems happy today. Parang hindi siya umiyak kagabi dahil sa ginawa ng kaniyang kapatid.

"Makakasurvive pa kaya ako ng one week sa 10 thousand na nasa wallet ko?" She innocently asked.

"Are you seriously asking me that? I can survive in one month with 10 thousand pesos" di  makapaniwalang sabi ko sakaniya. Kaya namomroblema siya ngayon dahil ganiyan siya kagastos.

"One month? Di ko kaya yan. I think pang damit ko pa lang ang 10k, pano pa yung everyday expenses? Lord God, I don't want to starve to death"

Bumitiw ako sa pagkakaakbay sa kaniya para makapasok kami ng cafe. Kinausap ko kina Marilou na naabutan naming abala sa loob at sinabing may ipapasok akong bagong staff. Pinakilala ko na sa kanila si cherry. Cherry greeted them with her thin voice and jolly slash friendly aura habang hindi naman komportable sina Athena sakaniya. Mukhang maarte kasi magsalita itong si cherry kasi pa English-English o kaya kapag nagtatagalog naman ay conyo. Baka naartehan yung dalawa.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now