Chapter 12

2.9K 132 2
                                    

Viana POV

"Bakit ganun? Parehas lang naman nating ginawa pero mas masarap ang pagkakaluto mo?"takang tanong sa akin ni Zehra.

Natawa naman sa kanya dahil para syang batang nag re- reklamo.

"Sa sunod sabihin ko sayo kung bakit masarap ang luto ko."biro ko dito at mukhang naniwala naman ito.

"Talaga lang ah antayin ko yan."sagot nito sa akin at
Muling nagpatuloy sa pagluluto.

Tinikman ko rin ang niluto nya na nakapatong sa lamesa.

Masarap naman ah!

Pinanood ko sya kung paano nya ito lutuin.
Habang pinapanood ito hindi ko mapigilin hindi matawa...

Kaya naman pala nakalimutan nya lagyan ng maraming bawang.

Sinabi ko nalang sa kanya kung ano ang kulang sa niluluto nya.
Pero sa pagkakatanda ko, bago- kami mag umpisa.
Tinuruan ko muna sya kung paano lutuin ang Garlic butter steak.

Nakalimutan nya lang siguro lagyan?

Nagpasalamat ito sa akin bago ako bumalik sa aking pwesto.

Nagtataka siguro kayo kung bakit nagluluto kami ngayon kahit pwede namang hindi na.

Well gusto ko lang.

Mas masarap kumain pag ikaw mismo ang nagluto sa pinaghirapan mo.
Tsaka gusto ko rin kasi matikman ang mga pagkain sa mundo na'to

Nung nakaraan taon ko pa talaga gusto mag luto kaso hindi ako makahanap ng ganitong mga karne sa bundok ng haverya.
Kaya sobrang saya ko ng makakita ako ng nga hayop na wala sa haverya at dito ko lang natagpuan.

Matapos namin mag luto ng sandamak-mak na steak.
Niluto ko naman ang Orcon.
Pero hindi ko inubos ang karne. Baka kasi may maisipan pa akong ibang lutuin na masarap dito kaya nagtira ako ng iba.
Nagluto lang ako ng adobong Orcon at sinunod ko namang lutuin ay volador adobo din ang pagkakaluto ko, 'ginawa ko itong maanhang.
Matapos kong makapag luto ng pagkain namin ni zehra.
Kila ginger at azura naman ang pagkaing lulutuin ko.

Ni-letson ko lang naman ang mga orcon na hinuli ni zehra para sa kanila.
Nilagyan ko lang ang mga ito ng iba't ibang klase ng pangpalasa.

Habang inaantay itong maluto.
Naka angat na ang mga ulo ng dragon namin habang naglalaway na nakatingin sa mga orcon.
Natawa naman ako sa reaksyon nila.

Napatingin ako sa kalangitan. Mukhang dito na muna kami mag pa-palipas ng gabi.

Dumidilim narin kasi at gusto narin naming magpahinga.

Inantay lang namin maluto ang mga pagkain at ng maluto na ito ay agad  na akong gumawa ng tent gamit ang aking creation magic.

Dito na muna kami matutulog ni zehra.
Nilagyan ko narin ito ng higaan sa loob para komportable kaming dalawa sa pagkakahiga.

Nag lagay narin ako ng ilaw sa bawat sulok ng tent at isa sa loob.

Nakakakita naman kami sa dilim pero mas maganda kapag may ilaw parin, para mas maaliwas tingnan ang paligid.

Si zehra nga pala ay pinaapoy ang mga kahoy napulot na kahoy sa gilid-gilid.

Hinayaan ko muna ito at nag-ayos na ng hapag-kainan para makakain na kaming dalawa.

“Zehra---?”napakunot noo ako ng mapansing napaka-seryoso ng mukha nito habang nakatingin sa madilim na karagatan.

Tinawag ko na ito dahil tapos na akong maghain ng mga pagkain sa lamesa.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon