Zehra POV
Kayo? Paano kayo napadpad rito?"tanong rin ni viana kanila.
"Nahiwalay kami sa mga kasamahan namin kaya napadpad kami sa isla na'to."aniya rina
Saglit itong tumingin sa madilim na karagatan at muling binaling ang tingin sa amin.
"Mukhang hindi na kami mag tatagal.
Kailangan na naming umalis mga binibini.""Aalis na kayo agad?!"
"Paumanhin ngunit kailangan pa naming hanapin ang mga kasamahan namin na nahiwalay sa amin.."ngiting sagot nito sa akin.
"Ganun ba? Nakakalungkot naman.
O sya basta mag-iingat kayo."ngiting sambit ko sakanila."Sana'y pagtagpuin ng tadhana ang ating landas.
Mag-iingat rin kayo mga binibini.
'Yung kwentas, ingatan nyo at
Wag na wag nyo itong ipapahawak sa iba."bilin pa nito."Makakaasa ka."ngiting sambit naman Viana kay rina.
"Maraming salamat sa pagkain nyo!"kaway ni samara.
Yung isa nilang kasamahan na hindi nakakain ay pinadalhan namin kay Nira ng pagkain.
Nagpasalat ito ng marami saamin bago lumapit sa kanyang kasamahan.Nagpaalam silang muli bago tuluyang lumangoy sa dagat at nawala sa aming paningin.
Makalipas ang ilang saglit
Kinalabit ako ni Viana kaya napatingin ako sakanya."Tara na matulog na tayo.
Maaga pa tayo bukas."yaya nito saakin.
Nauna na syang naglakad paalis kaya sumunod ako sakanya at pumasok narin sa tent.
Bago kami matulog naglagay muna kami ng barrier sa buong tent.
Sila ginger at azura naman ay hindi na kailangan ng barrier, malalakas naman sila e.
Matapos nun natulog na kaming dalawa ni viana.Viana POV
KINABUKASAN Napabalikwas ako ng bangon at naghahabol ng hininga.
Napatingin ako sa hitang nakapatong sa aking tiyan.“Kala ko katapusan kona!"hiyaw ko at Inangat ang hita ni Zehra na nakapatong sakin at tinulak ito patalikod.
Hindi man 'lang ito nagising sa ginawa ko?
Tulog mantika talaga.Ang payat ng babaitang 'to pero ang bigat ng hita!
Lumabas ako para silipin sila ginger.
Napangiti ako dahil ang himbing ng tulog ng dalawa.
Hinayaan ko muna silang matulog at bumalik sa tent para gisingin si zehra.
Ginising ko sya para sabay na kami maligo dalawa
Ilang araw na kaya kaming walang ligo!Niyugyog ko balikat nito para magising.
Umungol itong nag-inat ng kamay- habang Inaantok na nakatingin sa akin.
Pumikit-pikit itong nakatingin sakin."Aalis naba tayo?"tanong nito habang nagkukusot ng mata.
"Oo kaya bumangon kana 'riyan at maligo na tayo!
Ilang araw na kaya tayong hindi naliligo!"Inamoy naman nito ang kanyang sarili.
Nag iba ang mukha nito ng maamoy nya ang kanyang sariling amoy."Baho nuh? Kaya dapat iligo muna 'yan."bigla ako nitong sinapok sa ulo.
"Grabe ka naman! hindi naman mabaho 'e!
Maasim lang."reklamo nito kaya lalo akong natawa.Tumayo na ito kaya nauna 'na akong lumabas ng tent.
Ang ganda talaga dito at ang tahimik.
Napatingin ako sa payapang dagat.
Para itong bagay na kumikinang at hindi nakakasawang tingnan.
Napahawak ako sa buhok kong nililipad ng malakas na ihip ng hangin.
Ang presko din sobra ng hangin at ang bango.
Naglakad ako palapit sa tubig para mag tampisaw.