Chapter 34

2K 117 5
                                    

Viana POV

Si zehra naman ay akmang hihiwain ang leeg ko ngunit napa bend ang katawan ko at bumalintong patalikod kaya nasipa ko ang mukha nya.

Umatake muli sa akin si talia ngunit hindi ito kagaya kanina.
Mabilis nitong tinusok tusok sa akin katawan ang dulo ng kanyang spear ngunit mabilis ko din itong naiwasan kaya nagpalabas ito ng mga vines na galing sa ilalim ng lupa para matigil ako sa kakaiwas.

Nahagip ang isa kong paa kaya napahinto ako sa paggalaw.

Kinumpas nito ang kanyang daliri at may mga bato na nagsisilutang sa kanyang gawi.
Ginawa nya itong matulis at parang mga baril itong lumipad papunta sa akin.

Naglagay ako ng barrier para hindi tamaan ng mga bato nayun.

Kinuha ko ang isang katana sa aking tagiliran at hiniwa ko ang vines na nakapulupot sa aking paahan.

Napangisi ako sa kanyang ginawa, Aatakihin ko rin sana si talia pabalik ngunit.
Biglang sumulpot sa aking harapan si zehra.

Kinulong ko si talia sa loob ng barrier kaya malaya kaming dalawa ni zehra na naglalaban.

Para kaming hangin dalawa sa sobrang bilis ng aming mga kilos na halos hindi masabayan ng mga nanonood.

Pinatama ko ang katana ko sa kanya ngunit naiwasan nya ito kaya tumama ito sa lupa at nag karoon ito ng hiwa.

Muli akong umatake dito at mabigat ang bawat hampas ng aking katana sa kanyang sandata.

Nagpalabas ito ng bolang apoy at ipatatama ito saakin ngunit nagpalabas din ako ng apoy sa aking kamay at kinain ng aking apoy ang kanyang apoy.

"Hala madayaaaa!"ngawa nito sa aking ginawa.

"Pwede pala 'yon!?"nginisihan ko lang ito at tinago ko muli ang aking presensya at nagteleport ako sa harapan nya at hinampas ko ang leeg nito gamit ang aking kamay.

Hindi na ito agad nakareak dahil napapikit na ang kanyang mata.
Nasalo ko ang katawan nito na babagsak sana sa lupa.

Pinalutang ko ang katawan nito papunta sa mga healer.
Napalingon naman ako sa dragon namin.

Nanlaki ang mata ko ng may nakalutang sa ibabaw ng uluhan ni ginger na mga elemento.

Habang si azura naman ay parang naging armor ang balat nito.

"Teka bakit parang mas lalo silang lumaking dalawa?!"

May malaking magic circle na nakapalibot sa ilalim ni ginger.
Pati ang mga nanonood ay namangha sa kanilang nasaksihan.

Pinalutang ko rin si talia na nasa loob ngayon ng barrier.
Pinalutang ko ito palapit sa aking gawi.

"Manood muna tayo ng laban nila."sambit ko kay talia.
Napasimangot ito saakin.

Unang umatake si Azura kay ginger ngunit may barrier na nakapalibot sa katawan nito.
Kahit anong gawin nitong atake ay hindi ito natitibag.

Taas noong nakaupo si ginger habang nakatingin kay azura na pilit sinisira ang gawa nyang barrier.

Tinaas ni ginger ang isa nitong kamay at binagsak sa lupa na nagsanhi ng malakas na lindol na halos ikasira ng buong arena.

Nagkaroon ng pabilog at malalim na bitak ang lupa.
Parang hindi ko man lang nakita na gumalaw si ginger.

Napatingin ako sa ilalim nito.
Nakalutang pala ito habang nakasakay sa napakalaking magic circle.

Sobrang lakas na sumigaw si ginger kaya nagliparan ang mga dragon palapit sa kanya at bumaba sa lupa at yumuko.
Pati si azura ay napayuko rin sa kanyang harapan.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon