Chapter 62

1.7K 104 10
                                    

Sumunod kami dito at napatingin ako sa harapan.
May mga malalaking bato ang nakaharang doon.
Sa tingin ko ang likod ng mga batong 'yun ay tirahan ng mga Dwarfhen at fairyn.

Nakita ko na ang Dwarfhen sa binabasa kong libro ngunit wala ang mga fairyn doon.

*dwarf po ang dwarfhen.*

Pumasok ang fairyn na sinusundan namin sa maliit na pintuan.

Gumapang kaming apat papasok sa loob.
"Tumayo na kayo dyan."napatingin naman ako sa harapan at napanganga.

"A-ang ganda!"
Ang daming alitaptap na nagbibigay liwanag sa lugar na 'to.
May maliliit na bahay ng mga dwarfhen sa mga gilid ng puno na kasya lang ata ang isang tao.

Napatingin naman ako sa sanga ng mga puno.
May mga nakasabit naman doon na mga bulaklak na sa tingin ko ay bahay ng mga fairyn.

Umiilaw ang bawat bahay nila at nag mumukha nang Christmas tree tingnan.

Masyadong Magical ang lugar na 'to.
Parang hindi kapani-paniwala tingnan.
Para lang akong nasa panaginip sa sobrang ganda ng lugar.

"May lawa doon!"napatingin naman ako sa tinuturo ni Visha.

Sobrang linaw ng tubig na pati mga bato sa ilalim ay nakikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sobrang linaw ng tubig na pati mga bato sa ilalim ay nakikita.
May isda rin akong nakikita na lumalangoy.

"Susunod ba kayo o hindi?!"napalingon kami sa fairyn na nakabusangot sa aming harapan.

"Susunod."sagot namin dito habang palingon lingon parin sa paligid.

"Nandidito na tayo."tinuro nito ang isang malaking bulaklak na parang palasyo ata ng reyna.

May mga fairyn din na lalaki na parang kawal ng reyna ang nakabantay sa labas nito.

Kinausap ng kasama namin na fairyn ang mga kawal bago sya papasukin.

Masama naman ang tingin ng mga kawal na fairyn sa amin.

"Kayo na 'naman!"napalingon kaming apat sa likuran dahil sa likuran galing ang nag salita.

Isa itong lalaking dwarfhen na may napaka-gandang espada ang nakasabit sa kanyang tagiliran.

Hanggang Bewang lang ang taas nito sa amin at meron itong makapal na balbas at bigote sa mukha.

Tinutukan kami nito ng Kanyang espada kaya naiangat ko ang aking dalawang braso.

"Hindi kami pumunta rito para makipag away.
Nais lang namin makausap ang reyna."sabi ko rito.

"Hindi ako naniniwala sa inyo!"sigaw nito sa amin.

"Edi wag ka maniwala."napalingon kaming tatlo kay Zehra at tinaasan ito kilay.

"Ah hehe pasensya na."sambit nito sabay yuko.

"Ano ang pakay nyo sa akin mga xetherian?"muli naman kaming tumingin sa harapan ng may  nagsalita ng mahinahong boses.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon