Chapter 89

1.8K 113 39
                                    

NAPADAING ako ng maramdamang may basang bagay na dumadampi sa aking balat.

Unti-unti kong minulat ang aking mata.
Malabo ngunit sapat na para maaninag ko ang ibabaw ng tent na hindi pamilyar sa akin.

Naramdaman ko ang pagkilos ng nilalang sa aking tabi.

"Ka-kamahalan! Gising na ang binibini!"tarantang sigaw ng kung sino.

"Nasasaan ako?
Nasaan ang mga kasamahan ko?"Punong-puno ng katanungan ang isip ko.

Sinubukan kong bumangon ngunit hindi ko magalaw ang mga braso ko.

"A-hh!!!"
Bakit walang boses na lumalabas sa bibig ko?!

Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa akin.
Naramdaman ko ang presensya nito sa aking ulo-han.

"Kamusta aking binibini." namilog ang mata ko ng makilala ang pamilyar na boses na 'yun.

Inangat nito ang kalahati ng katawan ko at isinandal sa kanyang matitipunong dibdib.

Dahan-dahan ko itong nilingon.
Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa na halos maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa ibabaw ng aking tainga.

Pinainom ako nito ng tubig habang hindi mawala ang kanyang paningin sa akin.
Dinampian ako nito ng halik sa aking noo na ikinagulat ko.

Natawa naman ito sa reaksyon ko.
"B-bakit mo g-ginawa 'yun!" gulat na sambit ko dito.

"Dahil lubos akong nag-alala sayo binibini."malungkot na sagot nito sa akin.

Doon lang nag sink-in sa akin ang nangyari.
"Nasasaan ako!
Y-yung mga kaibigan ko!" bigla akong bumangon at pilit na ininda ang sakit ng buo kong katawan.

Matutumba sana ako, mabuti nalang at nasalo ako agad ni Duke at muling inihilig sa kanyang dibdib.
"Ayos lang ang mga kaibigan at mga kasamahan mo.
Nasa kabilang tent sila nagpapahinga."sagot nito sa akin.

"Pupuntahan ko sila!"

"Kailangan mo munang magpahinga at magpalakas dahil limang araw ka 'ring tulog." napatanga ako sa sinabi nito.

Limang araw?!

Hindi ako makapaniwalang limang araw akong comatose dahil sa pagkahulog ko sa bangin.

"Teka? Paano ako nakaligtas?"takang tanong ko rito.

"Dahil nakita 'kita. Kung wala ako sa lugar na ito ngayon. 'Baka wala ka narin."

"Ano palang ginagawa mo sa lugar na 'to?"

"Misyon."tipid na sagot nito sa akin.
Hindi na ako muling nagtanong pa dahil mukhang hindi 'rin nito sasagutin ang mga tanong ko.

Nagbaba na ako ng tingin at napatitig sa buo kong katawan.
Nakakaawa ang lagay ko ngayon.

Punong-puno ng galos ang buo kong katawan at nakabalot naman ng makapal na tela isa kong braso.

Kinapa ko naman ang ulo ko.
Napangiwi ako ng kumirot ito.
Nakabalot rin pala ng tela ang ulo ko.

"Akala ko hindi na kita mahahanap."nanigas ako sa ng bigla akong yakapin ni duke sa aking likuran.
Sinubsob nito ang kanyang noo sa aking leeg.

"Dito lang pala kita matatagpuan."pinagpapawisan na ako ng malamig.
"Panagutan mo ang ginawa mo sa akin." kumabog ng mabilis ang dibdib ko.

"T-teka lang! Lu-lumayo ka muna sa akin!
Anong panagutan ang pinagsasabi mo 'riyan?!"

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon