Viana's Point Of View
"Ang tawag sa hawak ko ngayon ay toothbrush o sipilyo.
Ginagamit ito upang panatalihing malinis ang ating mga ngipin."paliwang ko sa mga bata.Nagpalabas din ako ng toothpaste.
"Ito namang isang 'to ay para sa sipilyo.
Ito ay isang uri ng sabon para sa ating bunganga.
Bumubula ito sa ating bibig kapag nag sisipilyo tayo.""Gusto nyo ba turuan kayo nila ate zehra at ate talia kung paano mag sipilyo pagkatapos nyong kumain ng chocolate?"ngiting tanong ko sa mga bata.
"Wala po ba kayong ginagawa?
Baka po kasi nakaka-abala kami?"inosenteng tanong ni Mimi."Haha wala naman kaming ginagawa---"napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko ang mga kasamahan namin na nagliligpit na ng kanilang mga kagamitan.
"Mukhang kailangan na nating umalis."dugtong ko habang nakatingin parin sa mga karwahe.
"Mamaya o bukas pa tayo ulit magkikita mga bata ayos lang ba sa inyo?."ngiting nilingon ko ang mga bata at isa-isang ginulo ang mga buhok.
Nalungkot naman ang mga 'ito sa aking sinabi.
"Sayang naman!
Aalis na pala tayo."dismayadong usal ni Zehra."May bukas pa naman."sambit naman ni talia at ngumiti sa mga bata.
"Ito mga tsokolate baunin nyo kapag nagugutom kayo. Bigyan nyo din nanay at tatay nyo para matikman nila.
Maliwanag ba?""Opo ate Viana!"nagliwanag ang mukha ng mga 'to ng isa-isa ko silang abutan ng chocolate.
"Maraming salamat po dito!
Mauuna na 'po kami.
Baka hinahanap na kami nila nanay at tatay."paalam nila sa amin.Tinanguan ko ang mga 'to at kinawayan habang sila'y tumatakbo papunta sa kanilang karwahe.
Nakangiti 'rin sila Zehra at Talia habang kumakaway sa papalayong mga bata.
"Tara na. Mukhang tayo naman ang hinahanap ni lolo ador."aya ko sa dalawa.
Nauna na akong naglakad at hinabol naman ako ng dalawa at kumapit sa aking magkabilaang braso.
"Viana alam mo 'ba? Parang ikaw Talaga ang mas matanda sa amin?"biglang sambit ni talia.
"Ha?! Parang hindi naman?"biglang nanlamig ang aking katawan sa sinabi nito.
"Tara bilisan na natin nakaalis na yung iba 'oh?!"pag-iiba ko ng usapan at hinila ko na silang dalawa at tumakbo papalapit sa karwahe ni lolo ador.
"Saan kayo galing mga iha? Kanina pa ako nag hahanap sa inyo."sigaw nito sa amin mula sa kanyang bagon.
"Hahah pasensya na po 'lo nalibang lang kami sa mga bata."sigaw ko pabalik sakanya.
Medyo magkalayo ang distansya namin kaya di kami magkarinigan kaya nagsisigawan nalang kami.Nang makasakay na kami, agad nya din pinatakbo ang karwahe.
MAKALIPAS ang dalawang linggo.
Masaya kaming tatlo sa aming byahe kasama sila lolo ador at ang kanyang mga kasamahan.Ako na rin ang naging tagaluto sa buong dalawang linggo na'yun. Katulong ko naman ang dalawa kong kaibigan sa pagluluto.
Ang limang batang kausap naman namin nung nakaraan ay naging sandamakmak na.
Kapag wala kaming tatlo ginagawa, nilalaro namin ang mga bata at tinuturuan kung paano maging malinis sa katawan.
Tinuruan din namin ang mga magulang nila kung paano magluto at pinalinawag ko din ang benepisyo ng mga spices at herbs na hinahalo sa mga pagkain.