Chapter 83

1.5K 99 20
                                    

Kalias POV

HINDI ako makapaniwalang makakatikim ako ng ganito kasarap na putahe.

Nalalasahan ko ang kakaibang mga spices na hinalo rito.
malambot rin ang pagkakaluto ng ang karne at sobrang malasa.
May pagka-kulay gatas ang sabaw nito at medyo nag mamantika na medyo pula.

Dahil siguro sa hinalong pampaanghang.

Hindi ko akalaing magaling palang magluto ang Binibini.
Tinaasan ako nito ng kilay ng mahuli nya akong nakatingin sa kanya.

Iniwas ko ang tingin sa binibini at muling sumubo ng pagkain. Napapikit ako sa sarap.

Kahit araw-araw 'ata akong kumain ng ganito ay hindi ako magsasawa.

MATAPOS naming kumain lahat.
Nagpasalamat kami sa mga binibini bago bumalik sa aming tent.

Habang naglalakad pabalik.
Naririnig ko ang usapan ng mga kawal.
Sarap na sarap ang mga 'ito sa luto ni Viana.

Talia's POV

KINABUKASAN Sinadya kong gumising ng maaga para magligpit ng mga pinagkainan namin kagabi.
Hindi kami nakapaglinis dahil sa pagod at antok.

Hindi na 'rin ako nag abalang gisingin pa sila Zehra para magpatulong sa pagligpit.
Dahil alam kong pagod 'pa ang mga 'yun.

Papalabas palang ako ng tent ng may sumunod sa akin.
Nilingon ko 'kung sino 'iyon.

Si Viana pala. Kagigising lang.
Nag inat-inat ito ng katawan habang nagkukusot ng mata.
"Magandang Umaga." humihikab pa na bati nito bago ako lagpasanan.

Nauna itong maglakad at sumunod naman ako sakanya.
Pagkarating sa pwesto kung saan kami kumain kagabi.
'Agad pinalutang ni viana ang mga hugasin at pinasok nya ito sa bolang tubig at pinaikot-ikot ang hugasin 'roon.

Nilagyan nya 'rin ito ng sabon para malinis bago ipasok sa kanyang dimensional space at magamit muli.

Ang ibang kagamitan naman ay bigla nalang nawala ng parang bola.

Gumawa nalang ako ng walis gamit ang kapangyarihan ko at nilisan ang mga dahon sa paligid para naman may magawa ako.

"Talia."napalingon ako kay Viana.
"Tulungan mo akong mag luto ng kakainin natin."aniya at nilabas ang mga lulutuin na mga steak.
Napangiti ako at nilapitan ito.

Viana's POV

Nagsiga ako ng apoy at pinatong doon ang malapad na lutuan.
Malaki ito at ‘kaya pagsabay-sabayin ang mga karne.

Pinatong ko naman yung mga na- marinate ko na mga steak kagabi sa Mesa.

Paniguradong Nanonoot na ang 'lasa nito sa loob ng karne.

Pagkainit ng lutuan, naglagay na 'rin si talia ng mantika at pinainit saglit bago ilagay ang karne.

Marami itong nilagay.
Hindi pa nga naluluto pero 'yung amoy! Grabe ang bango!

NAGSALIT-SALITAN kami ni Talia sa pagluluto hanggang sa matapos kami.
Hindi namin namalayan na inabutan na kami ng ilang oras sa pagluluto.

Gising na 'rin pala sila Zehra at Visha kaya binigyan ko na ito ng makakain.
Sumabay na 'rin kaming kumain at pagkatapos ay nagligpit.

Nilagay ko na 'rin ang mga niluto namin sa aking dimensional Space----
At pagkatapos ay nag-ayos ng mga gamit para sa aming pag-alis.
Hindi na nga pala kami naligo dahil nag-aya na ang prinsipe na umalis.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon