Chapter 26

2.4K 136 12
                                    

Viana's POV

"DRAGON?"nilibot muli nito ang kanyang paningin sa buong paligid tila ba hinahanap nito ang sinasabi ng duke.

"Wala naman akong nakikitang dragon dito, Duke hunter."sagot ng hari sakanya.

"kung ganun ay namalikmata lang siguro ang aking tauhan."walang buhay na sagot nito.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkuyom ng hari sa kanyang kamay habang nakangiti paring nakatingin sa ginoo.

"Mabuti at naparito ka! Ipapakilala ko sayo ang aking mapapangasawa."

Napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi nito.

Ang kapal naman ng pagmumukha ng hari na 'to.

Abot langit ang ngiti ng hari ng sabihin nya iyon sa harapan ng duke.
Gumilid ito para ipakilala ako sa ginoo.

Namilog saglit ang mga magagandang mata nito at biglang ngumisi na parang na mu-mukhaan rin nya ako.

Iniwas ko na ang tingin sakanya at humarap na ako sa hari bago magsalita.

"Kamahalan pang ilang beses ko po 'ba uulitin sa inyo na may kasintahan na ako!"naiinis na sambit ko rito.

"Hahaha Iharap mo saakin ang iyong kasintahan binibini, Nang sa gayo'y maniwala ako sa iyong sinasabi."nakangising sambit nito.

Napatingin akong muli sa duke bago huminga ng malalim.

"Kaya mo 'to Viana!
Kapalan mo muna mukha mo kung ayaw mo makasal sa kupal na hari na 'to!"sambit ko sa aking isip.

Hinakbang ko ang aking mga paa palapit sa duke na nakatitig sa akin habang ako'y papalapit sa kanya.

Nang nasa harapan na ako nito agad kong hinila ang kwelyo nito kaya magkalapit na ang aming mukha sa isa't-isa.
Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko dito.

Ang gwapo nya lalo na sa malapitan.

Kunot noong nakipag titigan ito sa akin at nagtataka kung anong kalokohan ba ang pinag-gagawa ko.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito at bumulong.
"Pakiusap tulungan mo muna ako!"pakiusap ko rito.

"At ano naman ang kapalit ng pagtulong ko sayo?"
Kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng bumulong ito pabalik sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga nito mula sa aking tenga papunta sa aking leeg.

"I-ikaw na bahala mag desisyon basta tulungan mo muna ako!"
Bago pa ito makasagot binitawan ko na ang kwelyo nito at lumayo kaunti sakanya.

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko kaya diko maiwasang paypayan ang aking sarili gamit ang aking mga palad.

Muli kong binaling ang aking paningin sa hari na ngayo'y hindi maipinta ang mukha ang mukha habang nakatingin rin sa akin.
Mapangasar na nginitian ko naman ito bilang ganti.

"Ito nga pala ang aking kasintahan, Kamahalan."
Pasimple kong hinawakan ang kamay ng duke at pinagdikit ito.
Hindi naman ito nagreklamo kaya sinulit ko na.

Nag-angat ako ng tingin sa duke at tiningnan ito ng puno ng pagmamahal.

Syempre acting lang 'yun.

Nakatingin rin ito sa akin at biglang ngumisi kaya agad akong nag-iwas ng tingin at muling tumingin sa hari.

"Totoo ba ang sinasabi ng binibining iyan, Duke?"nagdududang tanong ng hari kay duke.

Humigpit ang hawak nito sa aking palad at agad na sumagot sa hari.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon