Chapter 32

2K 110 12
                                    

Viana POV

Nauna nang lumipad ang dragon ni red kaya sumunod na ang aming dragon sa kanya.

Mabuti nalang at nakatirintas ang mga buhok naming tatlo kaya hindi sumasagabal sa aming mukha ang mga hibla ng buhok.

Makalipas ang ilang minuto nakarating narin kami rito sa zerto.
Ang daming iba't ibang klase ng dragon na lumilipad sa ere.

Ang daming iba't ibang klase ng dragon na lumilipad sa ere

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Madami rin ang mga manonood sa laban.

Napalingon ang lahat sa taong nagsalita.
Parang may napakalaking speaker ang bunganga nito sa sobrang lakas ng boses.

"Ang mga sasali sa laban ay ilista ang pangalan sa mga papel na ibibigay, Kung hindi naman at manonood lang ay irolyo lang ang papel at kusa na itong mawawala sa inyong harapan."May lumulutang na papel sa aming harapan, Kasama nito ang isang panulat at tinta.

Sinulat ko ang pangalan ko sa papel ngunit hindi ko sinama ang aking apelyido.

"Nge kailangan pang patakan ng dugo?!"rinig kong reklamo ni zehra.

"Gawin mo nalang."sabi ni talia sa kanya.

Hindi ko na sila pinakinggan at sinugatan ko ang aking daliri gamit ang kutsilyo na bigla nalang rin sumulpot sa aking harapan.

Pinatulo ko ang aking dugo sa parang bilog at lumiwanag ito ng kaunti.
Nawala na ang liwanag kasama ang papel.

May maliit at manipis na tela naman ang nakalutang ngayon sa aking harapan kaya kinuha ko na ito at nilagay sa aking sugat.

"Bago mag umpisa ang Labanan.
Magbigay Pugay muna tayo sa ating mahal na hari at reyna kasama ang mahal na prinsipe."sambit ng lalaking nakalunok ng megaphone.

Nagsiyukuan ang lahat kaya nakigaya rin kaming tatlo.

May sinasabi ang mga ito ngunit hindi na namin ginaya iyon.

"Magandang Tanghali sa inyong lahat!"masiglang sigaw ng lalaking nakalunok ng megaphone.

Nagsihiyawan naman ang lahat ng mga xetherian rito.

"Argh sakit sa tenga!"mahinang reklamo ko.

"Nakakain naman siguro ang lahat bago pumunta rito hindi ba!"sigaw nitong muli.

"Oo naman!"

"Malamang!

"Umpisahan na ang dami mo pang dada!"

Sigawan ng mga xetherian na nandidito.

"Ha ha ha pasensya na.
Ito na nga mag uumpisa na ang labanan!
Matira matibay!
Ah oo nga pala may bagong idinagdag sa premyo ng mananalo!"na curious naman ang lahat sa sinabi nito.

"Isa itong kwentas nang isang serena.
Kaya nitong magpagaling ng kahit anong sakit basta suot mo ang kwentas!"
Zinoom ko ang aking paningin para makita ang kanyang hawak na kwentas.

I Got Reincarnated into Another WorldWhere stories live. Discover now