"Mahal na Reyna at mga Prinsesa nandidito na 'po tayo."sambit ni david ng buksan nito ang pintuan ng karwahe.
Inilahad nito ang kanyang palad para alalayan ang Reyna makababa.
Sumunod naman na bumaba ay si Zehra. Sumunod si Talia bago ako.
Pagkababa naming lahat sa karwahe.
Ang daming mata'ng nakatingin sa amin at sa aming suot.Sabagay ibang-iba talaga ang gown namin sa gown ng karamihan dito, dahil pang moderno ito.
Nagbulungan ang mga nakatingin sa amin at namangha sa aming suot.
Ngunit ang iba naman ay hindi.Hindi namin pinakinggan ang mga bulungan sa paligid at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Taas noo at elegante kaming naglakad papasok sa bulwagan ng palasyo.
"Alam nyo kung nakakamatay lang ang talim ng titig ng mga kababaihan dito.
Baka kanina pa tayo nakahandusay." sabi ni Talia habang nakatingin sa harapan."Mga iha sumunod lamang kayo sa akin at huwag pansinin ang mga matang nakatingin sa atin."sambit ng Reyna sa amin.
Makalipas ang Ilang minuto nakarating narin kami sa bulwagan.
Sobrang daming tao rito.
Uupo na sana kami sa mga upuan rito na may malaking lamesa at mga pagkain ng biglang may tumawag sa Reyna.Napalingon naman kami sa tumawag kay Adella.
May pagkakahawig sila ng Babae na 'to ngunit mas maganda parin si Adella."Kamusta aking kapatid?"pekeng ngiti na tanong nito kay reyna Adella.
"Maayos naman ako."tipid na sagot ni Reyna Adella sa kanya.
Tiningnan ng Babae ang suot ni Adella at napairap....
"Ang iyong kaharian kamusta naman?
May nahanap kana ba na hari?
Hhahah!"sarkastiko na tanong nito sabay tawa na nakakainsulto.Humarap si Adella rito at taas noong sumagot sa kanyang kapatid.
"Hindi ko kailangan ng hari para sa aking kaharian.
Kaya kong pamunuan ang kahiraan ko ng walang hari.
Hindi ako katulad mo...
Umaasa sa iyong asawa."madiin na sagot ni Inang reyna sa kanyang kapatid.Napapalakpak ako ng diko sinasadya dahil sa sobrang tuwa.
Napalingon naman silang dalawa sa akin.
Biglang tumaas ang Kilay ng kapatid ni adella ng makita kami."At sino naman kayo?"taas kilay na tanong nito sa amin.
Napadako ang tingin nito sa aking buhok at umirap.
Mabuti nalang talaga at hindi kami napunta sa kaharian nyo!
"Sila ang aking mga anak."pakilala sa amin reyna sa kanyang kapatid.
"Anak? Nagpapatawa kaba?!
Ni-wala ka ngang asawa, anak pa kaya."paano kaya sya naging reyna sa ugali nya na 'yan."Inampon ko sila."tipid na sagot ni inang reyna sa kanya.
"Hahahhahah Nag-ampon ka.
Bakit hindi kana ba makabuo? HAHAHH!"Tawang tawa na sambit ng kapatid ni adella."Viana kaunti nalang pasensya ko baka mauntog ko yan sa sahig!"galit na bulong sa akin ni Zehra.
Habang si talia naman ay blangko ang mata habang nakatingin sa kapatid ng Reyna.
Parang may iniisip ito na masama."Kumalma kayo.... Alalahanin nyo mga matataas na tao ang nasa paligid natin!"paalala ko sa kanila.
"Sa ugali nyang 'yan. Hindi mataas na tao ang tingin ko sakanya.....
Sa paningin ko isa 'syang BA.SU. RA!"malamig at madiin na sambit ni talia."Pakiulit nga ang sinabi mo!"galit na sambit ng kapatid ni Adella.
Habang nakatingin ng masama kay Talia.