Chapter 85

1.8K 102 36
                                    

Kalias POV

Napatingin ako sa gawi ni Viana at napakunot noo sa ginawa nito.
Bigla nalang itong lumuhod at hinawakan ang lupa at pumikit.

Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwala sa aking nakikita.
Yung maputik na lupa ay unti-unting nagiging porma na isang malaki at malawak na bahay.

"P-paano nya nagawa 'yun?!"
rinig ko ang usap-usapan sa aking likuran.
Mukhang nakatingin 'rin ang lahat sa gawi ng binibini.

Napaka-misteryoso at nakakahanga ang ginawa ni Viana.
Hindi ko alam na pwede palang gumawa ng tahanan gamit ang lupa.

Matapos nitong mabuo ang tahanan tumayo ito at Paika-ikang maglakad.
Gasgas ang suot nitong pang-ibaba at kita ko ang sugat nito sa hita.

Napadako rin ang tingin ko sa braso nitong duguan.
Nakangiwi ito habang naglalakad papalapit sa akin.

Mukhang iniinda nito ang sakit.
Agad itong dinaluhan ng kaibigan nitong si Zehra at inalalayang maglakad.

Hindi ko na ito inantay makalapit at ako na mismo ang naglakad papalapit sa kanya.

"Mahal na prinsipe Pansamantala muna kayong magpahinga sa ginawa kong tahanan.
Hindi ito kagandahan ngunit pwede na para masilungan.
Matibay iyan kaya huwag kayong mag-alala."sambit nito.

Gusto ko pa sanang kausapin ito ngunit huwag na muna ngayon.

"Maraming salamat Binibini.
Hindi ko makakalimutan ang ginawa mong tulong para sa amin."
sabi ko at yumuko.

"Tara na at sumilong sa loob."aya ko rito ngunit tipid lang nya akong nginitian.

"Hindi na kailangan. Gagawa nalang ako ng panibango para sa aming apat"aniya at nilampasan na ako.

Wala na akong nagawa at inutusan na ang mga kawal na sumilong sa gawa ng binibini.

Pagkapasok ay mas lalo akong namangha.
"Paano nagawa ng isang binibini ang ganitong tahanan na gawa sa maputik na lupa?
Nakakamangha."napalingon ako kay Zyran ng magsalita ito.

Minsan lang ito kumibo kaya nakakapagtaka.

"Napaka-misteryo ng mga binibini."seryoso namang sambit ni Asval.

"Nakita nyo ba ang ginawa ni Visha kanina?"napalingon naman kami kay Kenzo na parang tangang nakangiti.

"Hinati nito ang malaking bato ng walang kahirap-hirap!"mangha na sambit nito.

Iniwas ko na ang paningin sa aking mga kaibigan at seryosong nilibot ng tingin ang buong paligid.

Maraming higaan ang nakahilera pagkapasok palang ng pinto.
May mga kwarto rin akong nakikita sa dulo nito.

May Bintana rin na gawa sa salamin.
Dingding na parang semento at bubungan na gawa rin sa semento.

Nakakamangha.

Sumilip ako sa bintana malapit sa akin.
Nakita kong muling gumawa si Viana  at kakaiba ito sa amin.

Kakaiba ang straktura nito at maganda.
Pumasok silang apat doon.

"Kung ganyan ang mapapangasawa ko.
Ako na ata ang pinakamaswerto sa mundo."sambit ng aking katabi na si Kenzo.

"Manahimik ka."malamig na sambit ko dito at iniwanan.

Nagtungo ako sa isang pintuan at binuksan ito.
Isa pala itong kwarto.

Pumasok na ako at sinirado ang pinto.

Talia's POV

Pinahubad ko ang suot na pulo ni Viana at agad na ginamot ang sugat nito.

Tiniis nito ang sakit habang ginagamot ang sugat nito sa katawan.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon