Chapter 7

331 11 4
                                    


"Im.."




"Alexandra!" Napatingin na lamang ang dalaga sa tawag ng kanyang Tiya Selena.




"Tita" Naramdaman niyang niyakap na lamang siya ng kanyang Tita. "Ikaw bata ka, sabi ko na kasi magstay ka nalang sa bahay." sermon ni Selena sa kanyang pamangkin.




"Nagutom po kasi ako tita" malambing na saad ni Alex.




Para namang istatwa ang binata sa kanyang posisyon. He wants to go pero there is something na nagpapatigil sa kanyang umalis.




"And who are you?" baling na tanong naman ni Selena sa binatang kanina pa nakatayo.




"Madrigal, Joseph Madrigal" sagot naman ng binata.




Tumango na lang si Selena. "Selena Rafael."




"Alis na po ako" paalam ng binata.




Wait kailangan mo pang malaman tungkol kay Baby saad ng dalaga sa kanyang isipan.




"Cge Hijo, mag-ingat ka na lamang" saad ni Selena sa binata.




"Anong sabi ni doc?" tanong ng kanyang tita.




"Ano Tita.. ok lang daw ako" pagsisinungaling nito.




"Buti nalang" saad ni Selena sabay yakap sa pamangkin nito.




LUMIPAS ang ilang araw tinigil na din ng dalaga ang pag-inum sa mga gamot nito, ayon kasi sa kanyang OB gyne maaring makaapekto sa bata ang pag-inum ng mga ibang gamot maliban sa mga vitamins nito. Wala pa ding nakakaalam sa kanyang pagdadalang-tao.




"Baby kumusta ka na? Tandaan mo baby mahal na mahal kita" hindi mapigilan ng dalaga ang pagtulo ng kanyang luha, she needs to be strong lalo na't para sa batang nasa sinapupunan niya.

300 Days with you (SephLex)Where stories live. Discover now