Prologue

1.1K 20 1
                                    

"Please nakikiusap ako sayo kahit 9 months lang" pakiusap niya sa akin.

"Desperada ka na ba talaga?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Kung sasabihin ko bang oo, papayag ka ba?" saad niya, kitang kita ni Joseph ang lungkot sa mga mata ng babae.

Dahil na din sa ginagawa ni Claire sa kanya, ayaw na niyang maniwala pa. Ganyan naman lagi e, ipaparamdam nila sayong ikaw lang, na kailangan na kailangan ka nila pero sa huli iiwan ka din. Humiling si Joseph, inalis niya sa kanyang kaisipan ang awang nararamdaman niya. "Nababaliw ka ba?"

Muntik ng mapaluhod ang dalaga sa kanyang narinig, her child needs a place to stay kapag nawala na siya. Nilunok na niya lahat ng pride na meron siya para sa kanyang anak. "Please nakikiusap ako, para sa bata kahit 9 months lang, hanggang manganak lang ako. After noon hinding hindi mo na ako makikita" kasi baka wala na ako dito. Pinilinh huwag ituloy ni Alex ang huling mga salita.

"Paano ang bata?" tanong ng lalaki sakanya. Napahawak siya sa kanyang sinapupunan.

Patawad anak, "Iiwan ko siya sayo"

"Ganun ka ba kasama!" nainis si Joseph sa kanyang narinig. "Kaya mong iwan ang sarili mong anak" may pagdiin niyang sambit.

Napikit lang ang dalaga. Hindi niya kayang iwan ang anak niya ngunit hindi naman niyan mapipigilan ang kamatayan. Ang nais niya lamang ay may magmahal sa kanyang anak. "Please Joseph, I know I'm just stranger to you but I need your help right now." saad niya "If only I have a choice I will not leave my child."

"Sige pumapayag na ako" tugon ng binata.

Mula noon, nagbago na ang pananaw ko about sa love. Dumating siya sa buhay ko noong ako'y walang-wala. Binuhay niya ako noong mga panahong gusto ko ng magpakamatay. Binigyan niya ako ng pagkakataong magmahal muli.

Ewan ko ba siguro tama nga sila siya ang guardian angel ko.

Si Alex, ang taong huli kong mamahalin.

300 DAYS WITH YOU

300 Days with you (SephLex)On viuen les histories. Descobreix ara