Chapter 10

356 9 1
                                    



"Joseph pwedeng humingi ng favor sayo" kasalukuyan kasi lang kumakain ng lunch. Its been 1 week kaya medyo nabawasan ang awkwardness sa kanilang dalawa.



"Sure what is it?" tanong ng binata sa kanya.



"Kung ayaw mo ok lang naman eh.."



"Just spill it" sambit ng binata.



"Ano.. may check up kasi ako sa OB gyne ko ngayon I was wondering kung gusto mong sumama pero kung ayaw..



"Sasamahan kita" tipid na saad ni Joseph kaya napatigil sa pagsasalita ang dalaga.



"Talaga?" hindi niya makapaniwalang tanong.



"Yes" napatingin ang binata sa babaeng nasa harap niya. Nakangiti ito and he doesnt know pero pati siya napangiti.






PAREHONG naghihintay sina sa Alex at Joseph sa labas ng room ng OB ng dalaga.



Pansin ni Alex na parang kanina pa kinakabahan ang binata.



"Ok ka lang ba?" sincere nitong sagot alam niyang hindi siya sasagutin ng binata pero what caught her by surprise ang sagot ni Joseph sa tanong niya.



"I dunno what I feel right now, damn this is bizarre!"



Hinawakan ni Alex ang kamay ng binata. "Ramdam kita" napangiti ng konti ng bahagya si Joseph. Hindi niya alam pero noong ngumiti ang dalaga parang kumalma ito.



"Ms. Rafael" rinig nilang tawag ng nurse kaya dali-dali silang pumasok sa room kung saan siya eh checheck up.






"WHERE do you want to go?" tanong ng binata kay Alex. Kakatapos lang ng check up niya at sabi ng OB niya healthy naman ang baby nila.



"Sabi ni Jellybean gusto niya daw kumain" sambit ni Alex. Napakunot noo naman ang binata.



"Sinong jellybean ang sinasabi mo?" tanong nito na patuloy pa rin sa pagdadrive.

300 Days with you (SephLex)Where stories live. Discover now