Chapter 17

196 3 0
                                    

"Let's go" nabigla naman si Alex ng marinig niya si Joseph. Akala kasi niya ay pumunta na ito sa opisina niya.

"Wala ka bang trabaho?" nagtataka nitong tanong.

"I have but I want to spend this day with you and our Jellybean" nakangiti nitong saad.

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Alex. She felt like there are butterflies in her stomach. "Are you sure?" tanong niya. Just to make it sure that she's not imagining it.

Pigil naman ang ngiti ng binata dahil sa reaksyon ng dalaga. Bigla siyang napahawak sa puso niyo. Mahal na ata kita giit niya sa kanyang isipan. "Opo nanay ni Jellybean, kaya mabuti na magalmusal na tayo ng makaalis na tayo ng maaga" sambit niya.

"SAAN kasi tayo pupunta?" ika-sampung beses na tanong ni Alex, para itong batang excited sa kanyang field trip.

Tinignan lang siya ng binata at ngumiti ito. Sa ika-sampung beses na tanong niya ganun din kung ilang beses niyang ngitihan lamang ng binata. "Kainis ka naman eh" pagmamaktol niya.

And then she heard giggles of Joseph, which is surprising to her. Minsan niya lang marinig na tumawa ang binata. Kahit siya mismo ay napangiti.

" Matagal pa ba tayo?" tanong niya ulit, nilalabanan niya ang antok dahil na din sa tagal ng byahe nila, napahawak na lang niya ito sa kanyang nakaumbok na tyan, hindi niya napansin ang pagsulyap sa kanya ng binata. 

"ALEX" nagising naman ang dalaga dahil sa malambing na boses na tumatawag sa kanya. Minulat nito ang kanyang mata at namangha sa kanyang nakita.

Puro dilaw na bulaklak ang bumungad sa kanyang mata. She felt like she is in paradise. "Wow" sambit niya.

Napangiti naman ang binata sa reaction ng  dalaga. "Mas maganda iyan kung nasa malapitan tayo" giit nito. Dali-dali siyang lumbas sa kanyang sasakyan upang pagbuksan ang dalaga. Manghang mangha lang si Alex, habang hawak niya ang kamay ni Joseph.

"Nakakarelax naman ito" saad ng dalaga matapos niyang pagmasdam ang napakaraming sunflowers. Nakangiti ang kanyang mga mata at ramdam ito ng binata. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ng dalaga sa kanya.

"Im searching for beautiful places, ito iyong nakita ko and then naalala kita, para ka kasing sunflower, You are my sunshine on a cloudy days"

Pigil ang ngiti ng dalaga sa kanyang narinig. Sinulyapan niya ang binata at pansin nito ang pagtitig sa kanya. "Paglabas ni Jellybean dalhin mo siya dito ah, siguradong mageenjoy ang anak natin dito__"

"Bakit siya lang pwede naman tayong tatlo ang pumunta ulit dito?" tanong ng binata.

"Hindi pa ang usapan natin si Jellyb__"

"Dati iyon, pwedeng magsama tayo.. " giit ng binata.

Napatingin ang dalaga kay Joseph. Kung pwede lang, kung kaya ko lang saad nito sa kanyang isipan.

"Hindi ba magbabago ang desisyon mo?" may sakit sa tanong ng binata. Hindi mo ba ako kayang makasama habang buhay gusto pa sanang sabihin ito ng binata ngunit pinagbawalan niya ang kanyang sarili.

Tanging ngiti ang sagot ng dalaga sa kanya. "Pwede ba tayong maglakad lakad?"

"Oo naman"

"Pwede bang hawakan mo iyong kamay ko?" pigil ang luha ng dalaga.

"Habang buhay kung hahawakan ang kamay mo kung pagbibigyan mo lamang ako"

Tinignan niya ang binata at hinaplos ang kanyang pisngi. "Next time kapag pumunta kayo ni Jellybean dito, humanap ka ng babaeng kayang bigyan ka ng habang buhay"

"Per__"

"Tara na oh, tignan mo padilim na, malapit ng mapagod ang araw kaya kailangan magenjoy tayo habang nandyan pa siya" giit ng dalaga sabay hawak sa kamay ni Joseph. "Bitawan mo ang kamay ko kapag gumabi na ah" naguguluhan ang binata sa kanyang naririnig kanyang dalaga.

"Paano kung ayaw kitang bitawan?"

"Masasaktan ka"

"Handa akong masaktan.."

300 Days with you (SephLex)Where stories live. Discover now