Chapter 19

149 2 0
                                    

Hawak hawak ni Joseph ang singsing habang ito ay nagmamaneho pauwi sa kanyang magi-ina. Nakangiti ito, iniisip kung paano niya aalukin ng kasal ang dalaga. Akala niya noon na si Claire na ang panghabang-buhay niya at noong iniwan siya nito altar akala niya katapusan na iyon ng buhay. Hindi pala tama ang kanyang ina.

Paalis na siya ng pigilin siya ng kanyang ina. "Wait Anak"

"Bakit po ma?" tanong ng binata.

"May ibibigay ako sa iyo. Siguro panahon na para mapasayo ito." sagot ng kanyang ina. Nakatanaw lang ito habang paakyat ang kanyang ina sa kanilang tirahan noon. Napangiti ito, dahil ngayon may sarili na siyang bahay kasama si Alex at ang kanilang Jellybean. Pangako magpapatayo ako ng malaking bahay para inyo mahal ko sambit niya sa kanyang isipan. Nakalimutan niyang nasa harap na pala ang kanyang ina.

"Ibigay mo ito sa kanya" Kinuha ng kanyang ina ang kanyang kamay at binigay sa kanya ang maliit na kahon.

"Ma ito ba iyong.."

"Oo anak."

"Akala ko hindi mo na ibibigay sa akin ito, dahil noong nagpropose ako kay Claire.."

"Dahil ramdam ko na hindi kayo magtatagal ni Claire anak" sabat ng kanyang ina. "Naging tradisyon na ng pamilya natin ang ipasa ang singsing na ito sa mga unang anak at nagsasagisag din ito ng walang hanggang pagsasama anak gaya namin ng papa mo pati lolo't lola mo."

"Thank you ma"

"Now go and marry your happiness anak" nakangiting saad ng kanyang ina.

Hindi alam ni Joseph paano siya makakauwi ng mabilis, iniisip niya din paano niya tatanungin ang dalaga. Baka kasi isipin niya na pinakasalan niya lang ito dahil may anak sila. He wants it to make it special kagaya ng pagmamahal niya kay Alex.

Paliko na sana si Joseph ng magring ang kanyang cellphone dahil dito nabitawan niya ang singsing. "Sh*t bakit ngayon pa" gusto niyang kunin ang singsing sa baba ngunit batid niyang delikado ito at dalawang beses na din tumatawag sa kanya ang caller. Dali-dali niyang pinark ang kanyang kotse sa tabi at sinagot ang tawag.

"Hel.."

"Seph si Alex hijo.."

"Ano po?" tanong niya.

"Seph si Alex nahimatay..." hindi pa man natatapos ng kasambahay ang kanyang salita madali niya itong pinaandar ang kanyang sasakyan. "Nasaan po kayo?"

"Nasa St.Anthony Hospital kami"

JOSEPH cant absorb kung anong sinasabi ng doctor sa kanyang harapan. Bastat ang alam niya lamang ay nanginginig ang kanyang mga binti, nanlalamig ang kanyang kamay at may mga kuhang tumutulo sa kanyang mga mata.

"She has a Congestive heart failure, nahihirapan ang puso niya na magpump ng dugo, dahil na din sa hindi niya paginom ng mga gamot niya mas naging matindi ang complication sa puso niya. I already talked to her cardiologist, he informed me that her only hope to expand her life is to drink her meds pero dahil na din buntis siya tinigil niya pangtake ng mga ito dahil makakaapekto ito sa kanyang baby sa loob Mr. Madrigal" paliwanag ng doctor na tumingin kay Alex.

"Mr. Madrigal." sambit pa ulit ng doctor dahil pansin nito ang pagkatulala ng binata.

"Doc" saad ni Joseph ng mahimasmasan ito. Napaluhod ito at hinawakan ang kamay ng doctor. "Please doc, I am begging you. Iligtas niyo po ang mag-ina ko"

"Rest assured that we will do our best." tugon ng doctor sa kanya.

HINDI alam ni Joseph kung ilang oras na siyang nasa labas ng operating room. Katabi niya ang kanyang mga magulang pati na rin si Manang. Napatingin lang ito sa kaliwa ng marinig niya ang sumigaw na babae.

"Nasaan si Alex?" tanong ng ginang sa isang babae.

"Ikaw ba si Joseph?" tanong ng ginang sa kanya.

"Op.." hindi na natuloy ng binata ang kanyang sasabihin dahil sa biglang sampal sa kanya ng ginang.

"Tita" awat ng dalaga.

"Kapag namatay ang pamangkin ko, hinding hindi kita mapapatawad" napahagulgol na saad ng babae.

"Tita huminahon ka" sambit ng kasama nito.

"I can't Jean lalo na't alam kung nasa malubha ang kondisyon ni Alex."

Naguguluhan si Joseph kung paano niya kakausapin ang kamag-anak ng babaeng mahal niya. Buti nalang at nadyan ang mga magulang niya.

"Mrs. kung maari po ay huminahon tayo, hindi naman po kagustuhan ng anak ko ang may mangyari masama kay Alex" pakiusap ng nanay ni Joseph.

"Tita upo muna po tayo" giit ng dalaga. "Ako nga po pala si Jean, bestfriend ni Alex at siya naman po si Tita Selena, ang tita ni Alex" pakilala ni Jean sa kanila.

Umabot ng dalawang oras doon pa lamang lumabas ang doctor ni Alex.

"We did everything to save them both, okay na ang bata. Alex successfully gave birth to a baby girl" giit ng doctor, ramdam ni Joseph na para bang may mali. "Nasa ICU na ang bata, since kulang pa sa buwan ang sanggol but with Alex' condition.."

"Doc.."

"Mahina ang puso ni Alex.."

"Alex.." hagulgol ng tita ng dalaga.

"Doc nakikiusap ako gawin niyo po lahat para kay Alex. Kahit magkano ibibigay para sa kanya."

Tinignan siya ng doctor. "We tried everything Mr.Madrigal. What we need right now is miracle that Alex will survive this." tugon ng doctor.

300 Days with you (SephLex)Where stories live. Discover now