Chapter 15

499 14 33
                                    


BUSY na namimili ang dalawa ng gamit ng kanilang anak, nagdayoff kasi ang binata kaya nagdecide nalang ang dalawa ng bumili ng gamit ng kanilang anghel.

Habang naglalakad ang dalawa. Isang rocking chair na may teddybear ang nakaagaw ng pansin kay Alex.

"Ma'am new arrival po iyan" pabidang sambit ng sales lady.

Ngumiti nalang ang dalaga habang hinahaplos niya ang kulay cream na rocking chair.

Napalingon ang binata ng mapansin niyang hindi na niya katabi si Alex, pansin niya ang mukha ng dalaga,para itong nainlove. He know from that moment na kailangan niyang bilhin ito.

"How much is that?" tanong ni Joseph sa sales lady.

"Wait lang Sir" magiliw nitong sambit. "11, 350 pesos po sir" nakangiting sambit nito.

"Ang mahal naman" rinig ni Joseph na sambit ni Alex. "We will take it" saad ng binata.

Paalis na sana ang sales lady para tawagin ang magbabalot ng rocking chair pero pinigilan siya ni Alex. "Miss wait lang ah." saad niya at humarap ito kay Joseph.

"Ang mahal noon, tsaka hindi naman kailangan iyon ni Jellybean" saad nito habang hinaplos niya ang nakaumbok niyang tyan.

"No I will buy it" ngiting sambit ni Joseph.

Huwag ka namang ganyan baka mahulog na talaga ako sayo sambit ni Alex sa kanyang isipan.

Napasigh nalang ang dalaga. "Oh sige pero babayaran kita once nakaipon na ako" sambit ng dalaga.

Napangiti ang binata. Iba ka talaga sa lahat ng babaeng nakilala ko he said to himself.

"Miss we will buy it, and isama mo na iyong teddy bear" utos ni Joseph sabay hawak sa kamay ni Alex.

"Sige po Sir" nakangiting saad ng sales lady.

"THANK you ah" nakangiting saad ng dalaga.

"Bakit ka nagpapasalamat? Its for our baby" sinuklian naman siya ng binata ng ngiti. "Ano palang gusto mong kainin?" tanong nito.

"Ikaw nalang bahala" sambit ni Alex nakita niya kasi ang presyo ng mga pagkain, gutom siya. Oo pero nahihiya din naman siya kay Joseph dahil marami na itong nakagastos para sa bata.

"No Alex, tell me what you want" pilit ni Joseph sa kanya.

"Ano kasi.." napayuko nalang ang dalaga. "Ang mahal naman kasi eh"  Hinihintay niya ang reaksyon ng binata ngunit wala itong narinig niya.

Nang pagkakita ni Alex sa binata, nakangiti ito at nakatitig sa kanya. "Ano?"

"Wala, Gusto lang kitang titigan."

Namula naman ai Alex sa sinabi ni Joseph. "Ui tama na yan"

"No I wont hanggang hindi ka nagoorder" panginis ni Joseph.

"Tskk. Ito na po" giit ng dalaga.

"Very Good" nakangising saad ni Joseph at pinat niya pa ang ulo ng dalaga.

TAHIMIK na nakaupo ang dalawa sa bench sa park. Nakatitig lang sila sa mga batang naglalaro. "Salamat ah" sambit ni Alex pero hindi niya pa rin inalis ang tingin niya sa mga bata.

Napatitig naman ang binata sa sinabi ng dalaga. Pansin niya ang kislap sa mga mata ng dalaga at ang kanyang kamay na hinahaplos ang tirahan ng kanilang anak.

"Ilan beses ka bang magtathank you sa akin ngayon?" nakangiti niyang tanong.

Napangiti ang ang dalaga at tumingin ito sa binata. "I dunno"

Hindi alam ni Joseph pero he have this urge na hawakan ang kamay ng dalaga. Dahan dahan niyang hinawakan ang maliit ng kamay ng dalaga at interlocked niya ang kanilang kamay.

"Hinding hindi ko ito makakalimutan" sambit ni Alex. "Salamat kasi pinasaya mo ako, kahit sandali nakalimutan ko iyong mga problema ko."

"Ah?" hindi maintindihang tanong ng binata.

"Promise me?" pansin ng binata ang namumuong luha sa mga mata ni Alex.

"Promise you what?"

"Promise me kapag nandito na si Jellybean dalhin mo din siya dito ah. Pumunta din kayo sa mall para bumili ng mga laruan at damit niya. Kumain din kayo sa restaurant."

Nagnod nalang ang binata, hindi niya maintindihan ang dalaga, ngunit pinili nalag niyang itong huwag pansin. He thought na nagiging emosyonal lang si Alex.

Matapos magnod ng binata, napatingin ang dalaga sa langit. Please Lord konting panahon pa po.

300 Days with you (SephLex)Where stories live. Discover now