Chapter 20

168 1 0
                                    

Nakaligtas ang dalaga sa ginawang operasyon sa kanya, ngunit hindi naman ito nagising. Sabi ng doctor niya comatose daw ang dalaga. Ngunit kahit ganun hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa, Alam niyang lalaban si Alex, alam niyang hindi ito bibitaw.

"Anak"

Napatingin si Joseph sa kanyang ina na nakatayo na pala sa kanyang likuran, nakaupo kasi ito sa tabi ni Alex, habang hawak ang kanyang kanang kamay.

"Umuwi ka muna" saad ng kanyang ina. "Ng makapagpalit ka at makapagpahinga na din"

"Hindi po ma, hihintayin ko po siyang magising"

"Anak, paano naman ang apo ko? Kailangan niya din ng tatay anak" malungkot na saad ng mama niya.

"Ma.." naluluhang saad niya. "Hindi ko na po alam ang gagawin ko"

Naramdaman niyang niyakap siya ng kanyang ina. "Nandito lang kami ng papa mo anak, kung hindi mo na kaya. Magpahinga ka muna. Promise ako ang magbabantay kay Alex..."

"Pero paano ang mga events niyo?" tanong ng binata.

"Mas importante ang kalagayan ng mamanugangin ko" sambit niya. "Umuwi ka muna, Kailangan ka din ni Jellybean anak"

Jellybean iyan pa din ang tawag niya sa kanyang anak dahil gusto niya si Alex ang magbigay ng pangalan nito.

"Salamat po Ma."

Pauwi na sana si Joseph na madaanan niya ang isang chapel. Hindi niya pero parang dinadala siya ng kanyang mga paa dito. Pinarada niya ang kanyang sasakyan at lumabas ito. Tumungo siya sa loob ng chapel.

Tahimik. Tanging ibon lamang ang maririnig nito. Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina noon, kapag unang beses mong pumasok sa isang simbahan, humiling ka.

Lord pagalingin niyo po si Alex giit niya. Kahit ako nalang po ang kunin niyo huwag lang siya. Kailangan siya ng anak namin, kailangan ko po siya. Lord noong iniwan ako ni Claire lumayo ako sa inyo, kasi akala ko napakalupit niyo dahil sa pangyayaring iyon. Ngayon po pala ay may ibibigay kayo sa akin ang isang babaeng mamahalin ko ng totoo. Isang babaeng magbabago ng pananaw ko sa buhay ko.

Minulat ni Joseph ang kanyang mga mata na puno ng luha. Dali-daling kinuha ng binata ang kanyang cellphone ng maramdaman niyang nagvibrate ito.

"Hello ma" sagot niya.

"Anak si Alex gising na"

"KUMUSTA ka na?" ang unang tinanong ni Joseph ng makita niya si Alex.

Tanging ngiti lamang ang sagot ng dalaga. "Kum..usta ang a..nak natin?" nahihirapang saad ng dalaga.

"Nasa bahay na si Jellybean, kasama niya si Jean pati sina manang. Sabi ng doctor maayos na lagay ng anak natin."

"Tan..da mo ba i..yong usa..pan natin dati?" tanong ni Alex.

"Please nakikiusap ako, para sa bata kahit 9 months lang, hanggang manganak lang ako. After noon hinding hindi mo na ako makikita"

Alam ni Joseph kung ano ang tinutukoy ng dalaga. Ito na ba iyon, kaya nasabi niya na hindi ko na siya makikita.

"Joseph" saad ng dalaga at pikit inaabot ang kamay niya.

"Alex huwag.." pakiusap ni Joseph ng maramdaman niyang parang nagpapaalam na siya.

"Ikaw na bahala sa anak natin ah" she smiled genuinely as if wala siyang maramdaman na sakit. "Mahalin mo siya..."

"Nooo, huwag mo akong iwan Alex hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin" naluluhang saad niya. "Mahal na mahal kita Alex, ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. I can't live without seeing your smile. I can't stay alive if you are not here"

"Jo.seph pagod na ako."

"Tanda mo iyong pangalawang beses na nagkita tayo? Nakiusap ka, ngayon ako naman. Please Alex lumaban ka para sa anak natin, para sa atin. Bumuo pa tayo ng pamilya natin, lilibutin pa natin ang mundo mahal ko."

Kinuha ni Joseph ang singsing sa kanyang bulsa. "Alexandra, binuhay mo ako ng sa tatlong daang araw na kasama kita. Sa tatlong daang araw na kasama kita, natuto ako paano mabuhay, paano maging masaya, paano makuntento kung anong meron ako. Gusto kong makasama kita sa mga susunod na araw pa." sambit ni Joseph.  "Panagutan mo ako" biro niya pa kaya napatawa ang dalaga.

"Will you marry me?" tanong niya.

"Jos..epph"

"Hindi ako tumatanggap ng hindi Alex"

"Marami.. pang babae diyan"

"Sila ba si Alex, hindi nag-iisa ka lang mahal."

"Paano.. kun..g hindi ko na kaya"

"Ako naman ang lalaban" giit ng binata.

Napangiti ang dalaga. Hindi na hinintay pang sumagot ang dalaga, dahil siya na mismo ang naglagay ng singsing sa kanyang kamay. Hinalikan ni Joseph ang uno ni Alex. "Lumaban ka mahal"

Sasagot na sana ang dalaga ng biglang bumukas ang pintohan

"Alex" sambit ni Selena.

"Tita" saad ni Alex.

"Maiwan ko muna po kayo" saad ni Joseph

Ngumiti naman ng bahagya si Tita Selena. Dahan dahan siyang lumapit sa kama ng dalaga. She cant bear the sight of her niece slowly dying. "Alex.." sambit niya.

"Ti..ta" hirap man pinipilit ng dalaga na magsalita, baka kasi iyon na ang huling paguusap nila.

"Huwag ka na munang magsalita.." pakiusap ng kanyang tita.

Ngumiti si Alex habang may luhang tumutulo sa kanyang pagod na mga mata. "Sala..mat po tita."

"Tigilan mo ako Alexandra ah!"

"Pata.wad din po kasi iiwan ko din kayo" kinuha ni Alex ang kamay ng kanyang Tiya. " Hindi bali kapag nakita ko po sina Mama at Papa sasabihin ko kug gaano niyo ako kamahal" mahinang saad ni Alex. "Mahal na mahal ko po kayo. Nadyan ka... noong pana...hong kailangan na kailangan ko ng magulang at pasensya na po kayo tita kung puro sakit ng ulo ang binigay ko sayo."

"Tama na nga yan" sambit ni Selena habang pilit na pinupunasan ang kanyang mga luha. Bakit Lord? tanong nito sa kanyang kaisipan. Napakabata pa po ng pamangkin ko, ako nalang po ang kunin niyo. Huwag na po siya pakiusap nito.

"Kayo na pong bahala sa anak ko tita, mahalin niyo po siya ng gaya ng pagmamahal na ipinakita niyo sa a...kin" mahinang saad ni Alex.

Nilapitan ni Selena ang kanyang pamangkin at hinalikan ang kanyang noo. "Pangako anak." malungkot nitong sambit.

"Salamat po.. tita" nakangiting saad ng dalaga. Kasabay noon ang pagpikit niya ng kanyang mga mata. Rinig na rinig niya ang pagtigil ng heart monitor ng dalaga.

"ALEX!" sigaw ng kanyang tita.

Rinig na rinig ni Joseph ang sigaw ng tita ni Alex kaya dali dali itong pumasok sa kwarto ng kasintahan.

"Alex.. Mahal nangako ka" nakikiusap na saad ni Joseph. "Mahal lumaban ka, utang na loob para kay Jellybean"

"Maam, Sir lumabas muna po kayo" saad ng nurse.

Halos ipagtulakan na si Joseph ng mga nurse ngunit niya ayaw, takot siyang baka bumitaw ang mahal kung wala siya doon.

"Sir nakikiusap po kami"

"Pe.."

Napatigil si Joseph ng marinig niya ang saad ng doctor.

"Time of death.."

300 Days with you (SephLex)Where stories live. Discover now