Chapter 2

595 14 6
                                    

ALEX POV




"Di ba sabi ko wag ka ng magkapagod" sermon ng tita ko.




"Tita pumunta lang naman ako kina Jean" paliwanag ko sa kanya. Alam ko naiinis siya kaw ba naman ang umalis ng walang paalam pero ok lang kaysa naman magstay ako sa kwarto hanggang kunin na ako ni kamatayan.




Yep, malapit na akong mamatay binigyan na nga ako ng deadline ng doctor ko. 2 years nalang daw pagkatapos noon makikita mo na sina mama at papa. Ulila na kasi ako kaya si Tita Selena na ung nagaalaga sa akin.




"Please naman Alex makinig ka naman sa akin" maiyak iyak na sambit ni Tita. Naguilty naman daw ako. Mahal ko si tita para ngang mama ko na siya pero gusto ko bago ako mamatay sumaya naman ako.




Nilapitan ko si tita at niyakap ko siya ng mahigpit. "tita naman wag ka ng umiyak pumapangit ka lalo" biro ko sa kanya.




"ikaw Alexandra Emma Rafael tatadyakan talaga kita" natatawa niyang sagot.




"Tita Selena Cruz Rafael pwede wag gamitan ng full name" sagot ko. Tapos niyakap niya ulit ako. Alam ko umiiyak na siya ganyan naman talaga kami walang sawang iyakan at tawanan daig pa namin ang bida sa tv.




"bakit kasi ikaw pa?" bulong niya sa akin.




"nako tita tama na" nakangiti kong sagot " akyat muna ako sa kwarto ko tita"




Pagkapasok ko sa kwarto ko di ko na mapigilan umiyak. Bakit nga ba ako pa? For goodness sake 20 palang ako. Kinuha na niya ung magulang ko tapos pati ngayon ako naman. Paano na si tita?




Ang unfair naman di ko man mararanasan ang magkapamilya.




At mainlove..






.



300 Days with you (SephLex)Where stories live. Discover now