Chapter 11

341 8 4
                                    

NAKANGITING pumasok si Alex sa loob ng condo ni Joseph. She doesnt want to assume pero nafefeel na niya na mahal na ng binata ang bata sa kanyang sinapupunan.

"Napakalaki ata ng ngiti mo hija ah"

"Hay kabayo" nabiglang saad ni Alex. Hindi niya kasi namalayan na nakatayo na pala ang matanda sa kanyang harapan.

"Manang Belle ginulat niyo po ako" ang tanging nasambit niya. Napalagay ng dalaga ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. Inhale.. Exhale...

"Kanina pa kasi ako nasa harap mo eh para namang wala ka sa wisyo mo kaya tinawag na kita" nangiinis na sambit ni Belle.

"Hay bago ko pa pala makalimutan, pinagtake-out po namin kayo ng spaghetti" nakangiting saad ni Alex at binigay niya ang isang brown paper na may mukha ni Jollibee sa matandang kasama niya.

"Ilalagay ko muna ito sa ref hija" paalam ni Manang Belle.

"Hindi niyo ho gusto?" hindi alam ni Alex pero para itong nalungkot sa sinabi ng matanda.

"Nako pong bata ka, hindi hija magpapaalam sana ako kung pwede akong umalis"

"Saan po kayo pupunta?" tanong ni Alex.

"Nagkaemergency kasi sa amin hija" kwento ng matanda.

"Ah ganun po ba, kailan po kayo babalik?"

"Bukas din hija" sagot ni Manang Belle.

"Cge ho mag-ingat nalang po kayo" paalala ni Alex at niyakap niya ang matandang babaeng nakasama niya ng isang linggo.

Matutulog na sana si Alex ng biglang sumakit ang kanyang puson. "AHHHH" mamalipit ito sa sakit.

Naramdaman niyang parang mga liquid na dumadaloy sa hita niya. Pagtingin niya halos mahulog ang puso niya ng mapansin niya ang pulang likido sa kanyang hita.

"No no no" naluluha niyang saad dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya na nasa nightstand.

"Hello" Hindi alam ng dalaga kung paano siya magsasalita. Tanging hikbi lang ang naririnig ng lalaki sa kabilang linya.

"Alex whats wrong?" rinig niyang tanong ng binata.

Napahawak lang ang dalaga sa kanyang dibdib. "Joseph dinudugo ako"

Hindi na niya narinig ang sagot ng binata dahil nabitawan niya ang kanyang cellphone dahil na din sa pagkirot ng kanyang puso pati na din ang takot na baka mawala sa kanya ang kanyang anak.

Nabigla nalang ang dalaga ng bumukas ang kanyang pinto. Bumungad sa kanya ang lalaking hingal na hingal at kinakabahan.

"Joseph si Jellybean" ang tanging nasaad ni Alex ng binuhat siya ng binata. Patuloy lang ang pagluha ng dalaga.

"Shh walang manyayaring masama kay Jellybean. I Promise" rinig niyang bulong ng binata.

PAIKOT-IKOT lang ang binata sa hallway ng hospital kung saan niya dinala si Alex. Pinagtitinginan din siya ng tao dahil na din siguro sa dugong nasa kanyang damit. Mahigit ilang oras na din pero wala pang lumalabas na doctor.

Narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Gaya ng hinala niya Nanay niya ang tumatawag sa kanya. Minabuti na niya itong sagutin dahil alam niyang hindi din naman titigil ito kung hindi niya sinagot.

Napaupo siya sa isa sa mga asul na upuan malapit sa operating room.

"Hello Ma" tamlay niyang sagot.

"Finally you accepted my calls" rinig niya ang buntong hiniga ng kanyang ina. "What happen? Where are you right now?" sunod sunod na tanong ng kanyang nanay.

"Im in the hospital right now ma" sagot niya.

"Why? Sinong nahospital na?"

"Ang mag-ina ko Ma" hindi alam ni Joseph pero napaluha ito ng binanggit niya ang salitang mag-ina.

"Your what?" halata sa boses ng kanyang nanay ang lito sa sinambit niya kanina.

"I will just tell you earlier ma" pinatay niya ang tawag ng kanyang ina ng makita niya ang doktora na kasama ni Alex kanina.

"How are they?" bungad na tanong ni Joseph.

Kinabahan ang binata ng nagiba ang mukha ng doktora para itong nakikipagsimpatsya.

"Your wife is now fine, pinatulog na din namin siya but for your child. Im sorry we did everything we can just to save your child kaso madaming dugo na ang nawala sa misis mo at hindi makapit ang sanggol sa sinapupunan ng asawa mo. Im sorry" saad ng doktora.

"No your kidding right?" naluluhang saad ni Joseph.

"Im sorry for your loss" napaupo nalang ang binata sa sahig ng hospital dahil sa sinabi ng doktora.


300 Days with you (SephLex)Where stories live. Discover now