Epilogue

229 2 3
                                    

"Papa bilisan muna, Mama is waiting for us" giit na anak ko, si Miracle but I still call her Jellybean. Iyon kasi ang gusto ni Alex.

"You are so tagal po" nakapout nitong sagot kaya dali dali ko siyang hinalikan ang kanyang nakaumbok na pisngi.

Anim na taon na pala ang nakalipas mula noong araw na iyon. Araw kung saan halos ikamatay ng puso ko pero pinili kong maging malakas para sa anak namin.

"Papa!" sigaw ng Jellybean ko.

"Ito na po" agarang sagot ko. "Kunin mo na iyong flowers sa loob" Utos ko sa kanya, habang hawak hawak ko naman ang isang basket na puno ng pagkain.

"Kanina ko pa hinahawakan" natatawang sambit ng anak ko. " Papa talaga oh, excited kang makita si Mama eh" pambara niya sa akin.

"Lagi naman akong excited makita mama mo" nakangiti kung sagot.

"Grown ups" nakairap niyang sagot.

"Tara na nga, pasok ka na sa sasakyan dali" utos ko sa kanya.

"Wait I will get my teddy bear po Papa" sambit niya sabay takbo papuntang bahay namin. "Manang where is my teddy bear po?" rinig ko pang tanong niya.

Papunta na kami mahal ko

"NANDYAN na ba tayo papa?" ilang beses na tanong ni Miracle habang nakatingin ito sa bintana ng sasakyan.

"Ikaw ata nakakamiss sa mama mo eh" biro ko sa kanya.

"Ofcourse I miss mama" malaungkot nitong saad.

"Dont worry malapit na tayo Jellybean" sambit ko sa kanya.

"Papa dont call me Jellybean, Im a big girl na po" nakasimangot niyang saad. Kamukhang kamukha niya talaga si Alex.

"But you are my Jellybean" biro ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako ng masama at bumilat. "Susumbong po kita kay Mama" giit naman.

Natawa naman ako sa kanya "Sige na hindi ko na po kayo tatawaging Jellybean"

Bigla naman siyang sumigaw na makarating na kami sa sementeryo. "Papa come on bilisan muna" excited niyang saad.

"Wait lang po, maghihintay naman si Mama mo"

"Ugh" sambit niya.

Habang pinapark ko ang sasakyan namin halata sa aking anak ang kanya kasiyahan.

"Sorry po sir, we tried everything pero hindi na po kinaya ng pasyente" malungkot na saad ng Doctor

"Hindi!! sabi niya hindi niya kami iiwan" nagmamadali akong pumunta kung saan nakahimlay ang mahal ko.

"Sir teka lang ho" pigil naman sa akin ng nurse pero hindi ako nagpatinag, nakangako ka Alex sabi mo hindi mo kami iiwan.

"Hawakan niyo siya" rinig kong sigaw ng mga tao. Halos maubos ang hininga ng makita ko siyang nakahiga, walang kulay ang kanyang mukha.

"Mahal gumising ka! Pinangako mo sa amin na hindi ka bibitaw." naiiyak kong sigaw. "Gumising ka na, kailangan kita, kailangan ka ng anak natin".

"Mama" sigaw ni Miracle.

"Jellybean,huwag kang tumakbo baka matumba ka" rinig ko naman sambit ng asawa ko.

"Sorry po Mama, I miss you po kasi" giit naman ni Miracle.

"I miss you, too" sambit niya at hinalikan ito sa noo. "Sorry nawala si Mama ng ilang days ah"

"Ok lang po iyon Mama, sabi po kasi ni Papa kailangan ka ni Lola Ganda" sagot niya.

Agad ko naman silang nilapitan. "Mahal ok ka na?" tanong ko sa kanya.

"Okay na ako" may lungkot sa kanyang mga mata pero meron din naman saya.

"Umuwi na tayo Alex ah" lambing ko sa kanya. "Namimiss ko na iyong asawa ko"

"Opo" nakangiting sambit niya. "Miss na din namin kayo" saad niya habang nakapatong ang kanyang kamay sa kanyang nakaumbok na tyan.

Yumuko ako upang halikan ito. "I miss you little man"saad ko. "Finally uuwi na kayo ng Mama niyo"

"Lola Ganda I brought you flowers po" rinig namin sambit ng anak ko, habang naka upo ito. "I miss you po, but Papa said na kailangan niyo na pong pumunta ng heaven para hindi na po kayo masaktan. I love you po. Sana po sabihin niyo kay Mama umuwi na siya sa amin" napatawa naman kaming magasawa sa aming narinig. "Namimiss ko na po kasi siya, pati po si Papa nakita ko po kanina na umiiyak siya."

Tinignan naman ako ng asawa ko. " Yes, I extremely miss you, Mahal"

Natawa naman ito "Uuwi na ako" saad niya. Niyakap ko ito palikod at hinagkan ang kanyang sentido.

Yes. Nabuhay siya. Hindi mapaliwanag na doctor kung paano, ngunit hindi ganun kadali dahil dalawang taon din siyang walang malay. Nawalan na din ako ng pag-asa ngunit sa tuwing makikita ko ang anak namin na si Miracle, nabubuhay ang loob ko. Darating ang araw at magigising din siya. Kaya laking tuwa ko ng magmulat ang kanyang mga mata.

"Jo..seph"

"Mahal"naluluha kung sambit sa kanya. "Thank you hindi ka bumitaw mahal"

"Hindi ba.. nangako.. ako sa inyo" nahihirapan niyang sambit.

Hindi n ako nagtumpik tumpik pa at lumuhod ako, ramdam ko ang lamig ng tiles ngunit at tanging bakal ng kama niya lang ang natatanaw ko. Naririnig ko din ang tili ng mga nurse na nagbabantay sa kanya.

"Will you spend the rest of your days with me? Magpakasal na tayo bukas hindi ko na kaya pang maghintay ng matagal" sambit ko. Habang nanginginig ang hawak ko sa singsing.

Ngumiti siya at alam ko doon pa lang na panghabangbuhay ko siyang makakasama.


A.N: Finally I finished it, thank you to all people who supported my story 3DWY. I know it was long over due 🙈, 3 years in the making 😅
Some may wonder why Alex didnt die, because I believed on happy endings. I couldnt bear to kill Alex and this is a fiction story. Lots of possibilities.

Again, I am grateful to all of you. Thank you for making time to read my story. I will finish small bump and IFIWMM aswell 🙈🙉😙

300 Days with you (SephLex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon