Chapter 18

142 4 2
                                    

"Masasaktan ka"

Paulit-ulit naririnig iyon ni Joseph sa kanyang isipan, naguguluhan siya kung anong nais ipahiwatig ng dalaga. He knew to himself na mahal niya na ito. Mabilis ngunit totoo dahil sa pagmamahal walang matagal at mabilis. Kapag ika'y nagpaglaruan na ni kupido wala ka ng kalawa. Gustong matawa ni Joseph sa kanyang iinisip. Ano bang masama kong mahalin niya ang ina ng kanyang anak.

"Ang lalim ata ng iiniisip mo" napalingon ito ng marinig niya ang boses ng kanyan ina.

"Wala po ito ma" sambit niya.

"Wala? kung ganun nga, bakit mukhang naguguluhan? tanong ng kanyang ina sabay upo sa knyang tabi. "Tungkol ba ito kay Alex?" singit na nito.

"Umm.. bakit ganun kayong mga babae ma? tanong nito." Napagulo niyo minsan, kaya siguro mas tumanda ang istura ni Papa kumpara sayo...ARAY Ma" daing niyang binatukan siya ng kanyang ina.

"Ayan ng magising ka sa katotohanan" tinignan siya ng kanyang ina. "Alam mo kasi kaming mga babae, iba ang pagiisip namin kumpara sa inyo. Mas malala din ang insecurities namin sa katawan. Minsan sasabihin namin na ok lang pero ang totoo hindi ok iyon sa amin.."

"Iyon nga ma e.."

"Pwede patapusin mo ako" tingin ng masama sa kanya" Tadyakan kita eh"

Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang ina sa kanyang sinabi.

"Ganun kaming mga babae kasi lahat ng mga pwedeng mangyari iniisip namin, hindi para sa sarili namin kundi para inyo, sa mga asawa at higit sa lahat sa mga anak namin. Hindi namin iniisip ang sarili namin." hinawakan ng ina ang kamay ng kanyang anak. "I was afraid that I couldnt teach you how to be a man, natatakot ako na baka maging kagaya ka ng iba."

"Ma.."

"I am grateful that you found your match anak." sambit pa ng kanyang ina. "Be a man and marry that woman anak, minsan ka lang makita ng kagaya niya"


"HANGGANG kailan mo itatago sa kanya aber?" giit ng kaibigan ni Alex.

"Jean.."

"Alex naman, ano iiwan muna lang siya at ang anak mo.." alam ni Alex na tama ang kaibigan niya. Ilang araw na din niyang iniisip ang mangyayari lalo na't malapit na din siyang manganak.

"Si tita, lagi siyang pumupunta dito para tanungin kung nasaan ka? Please naman Alex isama muna kami sa laban mo. Mahal na mahal ka namin." sambit ng kaibigan niya. Alam niyang umiiyak na ito at iyon ang ayaw niya. Ayaw niyang maging dahilan para maging malungkot ang ibang tao.

"Iyong ama ng magiging anak, hindi mo ba naiisip a baka mahal ka na din niya..."

"Hindi pwede" sabat nito sa dalaga.

"Utang na loob naman Alex! Pasalamat ka kaibigan kita" daing ni Jean. "Minsan okay naman na maging selfish ka."

"Jean.. gusto ko kayong puntahan ni Tita, pero alam ko sa sarili ko na malapit na akomg bumigay. Mahal na mahal ko kayo at ayaw kayong mas masaktan pa"

"So sa ginagawa mo ngayon hindi kami nasasaktan?"

Napahawak bigla si Alex sa kanyang dibdib dahil sa sakit na inihinda. "Je..an... tawagan nalang kita ulit ah, mahal na mahal ko kayo pati tita. Pakisabi nalang sa kanya na iyong maganda niyang pamangkin mahal na mahal siya." Pipilit nalang ni Alex ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Palala ng palala ang sakit na kanyang natatamasa.

"Alex.." ramdam niya ang kaba sa boses ng kaibigan niya.

"Sige na Jean, wala na akong load" pilit niyang pagpapatawa sa kaibigan at madaling pinatay ang tawag nito.

"Ahhhhhhh" Napahiga na lamang si Alex sa sobrang sakit. "Lord huwag muna po, hindi pa kaya ng anak ko." bulong niyang dasal.

"Ahhhhhhhhh...Please Lord..ah" sigaw niya sa sobrang sakit na nadadama niya.

Bigla naman bumukas ang pintohan ng kanyang kwarto. "Alex hija" sambit ni Manang.

"Diyos ko mahabaging langit" nasambit ng matanda ng makita niyang mawalan ng malay ang dalaga.

300 Days with you (SephLex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon