Chapter 16

165 2 1
                                    

"WAIT lang po" sigaw ni Alex ng marinig niya ang doorbell. Mag-isa lang kasi siya sa condo nila. Pumunta kasi sa supermarket si Manang habang nasa office naman si Joseph. Hirap na hirap ang buntis na babae sa paglalakad. Malaki na kasi ang tyan niya at nahihirapan na din siyang huminga.

"Sandali lang po" saad niya ulit, pagbukas niya ng pintuan bumungad sa kanya ang babaeng nakapulang damit. Maputi ito at chinita.

"Ano pong kailangan niyo?" tanong ni Alex habang nasa nakaumbok ng tyan ang kanyang kamay. "Jellybean tama na muna ang pagsipa baby"

Nairap naman ang babae sa kanyang harapan. "Where is Joseph?"

"Nasa office niya" saad ni Alex, para namang nainsecure ang nagdadalang-tao dahil tinignan siya ng misteryosang babae mula ulo ang hanggang paa, para bang iniinspek siya nito.

"Are you his maid?" tanong ulit ng chinitang babae.

Ano nga ba niya ako? she asked to herself. Pero bago pa man siya makapagsalita nadinig niya ang boses ng ama ng kanyang anak.

"Bakit ka narito Claire?" bakas sa boses ng binita ang inis. Kaya hindi mapigilan matanong ni Alex kung sino ba ang babae sa kanyang harapan.

"Seph!" tawag ng babaeng kausap ng dalaga kanina. Patakbo itong pumunta sa binata at niyakap ni si Joseph

Para namang napako ang dalaga sa kanyang pwesto ng magyakapan ang dalawa.

"I miss you Joseph. Im sorry" naluluhang saad ni Claire. "Please forgive me" luluhod pa sana ito ngunit pinigilan siya ng binata.

"No need to do that Claire"

Ngumiting peke naman si Claire. "Thank you Seph" saad niya. Same old Joseph madaling mauto.

"SINO yang babaeng yan babe?"malanding tanong nito.

"She is_" hindi pa man makapagsalita si Joseph ng pinutol siya nito ng dalaga "Im his new maid" pekeng ngiti nito sa dalaga. "Sige po magtitimpla lang ako juice para sa inyo" saad nito at dali dali itong umalis ngunit natigilan siya ng hawakan siya sa braso ng lalaki.

"No stay" malamig nitong saad. Tumingin si Joseph chinitang babae. "She is my wife" sambit nito. Napalabi naman si Claire sa narinig niya.

"Wait what??" giit niya. "Seriously Joseph, ipagpapalit mo ko diyan sa babaeng iyan" turo nito kay Alex. Napailing pa ito na para bang nandidiri habang tinitignan si Alex.

"Are you done?" bored na tanong nito. Bumalot ang katahimikan sa kanilang tatlo, parang naghihintayan sila kung sino ang magsasalita. "If you're done talking, pwede ka ng umalis" giit ng binata.

Napailing nalang si Claire at galit na nagwalk out. Ilang minuto pa ang nakalipas ngunit walang ni isang salita ang narinig sa dalawa.

Nang mapatingin si Joseph sa mga mata ni Alex, para bang may nakita itang lungkot at saya sa mga mata nito "May nakalimutan lang ako kaya bumalik ako dito" pambasag ng binata sa katahimikan.

Para naman nabuhasan ng malamig na tubig ang dalaga ng marinig niya ang sambit ng binata"Umm sige.. ano ba iyon? Ano ang kukuha?" saas ni Alex. Papaalis na sana ito ng hinawakan siya sa bewang ng binata.

"Next time dont downgrade yourself" sambit ng binata at hinalikan siya nito sa kanyang noo.

Jellybean mahal ko na ata tatay mo saad ni Alex sa kanyang isipan.

300 Days with you (SephLex)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن