Chapter 29

114 5 0
                                    

"Silver narito na tayo"nakaramdam ako ng pag hawak sa balikat ko kaya nagising ako.......

Tumango lang ako kaya nag patiuna na siyang pumasok.......

Ilang oras palang kaming nag kakilala ni manong at hindi ko pa nga alam ang pangalan niya pero kita ko sa reaksyon niyang nalulungkot din siya..

Nasaksihan niya kanina ang mga iyak at hikbi ko dito sa loob ng sasakyan...

Ni ang tignan ako ay hindi niya magawa dahil sa awa...

Pag labas ko ng sasakyan ay umagaw agad sa aking paningin ang napakalaking buwan at napakadaming star sa langit.....

Pero kahit ang napakagandang tatatanaw ko ngayon ay hindi parin maibsan ang sakit na nararamdaman ko......

Napahawak ako sa tiyan ko at unti unti na namang pumapatak ang aking luha tuwing bumabalik sakin ang lahat ng nangyari.......

"Baby sorry.....mommy is sad....yo-your daddy broke my heart...big time...."sana hindi nararamdaman ng baby ko ang sakit na nararanasan ko ngayon.....
Ayokong mangyari yun.....

"Silver apo....pumasok na tayo"

Nasabi na siguro ni manong ang nangyari.....

Ang kaninang iyak ko ay tuluyan ng naging hikbi at agad na napayakap sa matanda......

"Ssshhh....everything will be alright apo.....napakabata mo pa para makaramdam ng ganitong sakit......"

Umiiyak at humihikbi akong inakay niya papasok habang nakayakap ako sa kanya......

Kahit papano ay nakaramdam ako na may kakampi ako at masasandalan....

Hinatid niya ako hanggang sa kwarto kung saan ako nagising kanina......

Napatingin ako sa orasan at alas tres na ng madaling araw......

Nakita ko rin ang sarili ko ng mapadaan kami sa glasswall ng bahay at magang maga na ang mata ko kakaiyak......

Wala naman akong ginawa pero felling ko pagod na pagod ako ng sobra......

"Magpahinga ka na apo.I know your tired....Mag usap nalang tayo bukas..."hinalikan niya ako sa buhok at saka ngumiti pero hindi niya maitatago sakin ang lungkot na nakikita ko rin sa mata niya....

Dahil sa sobrang lungkot at labis na sakit na nararamdaman ko ay pati mga taong nakapaligid sakin ay nahahawa narin......

Tanging tango nalang ang nagawa ko bilang sagot dahil alam ko pag nagsalita ako ay wala ding boses ang maririnig....
Dahil sa labis na pag iyak ko kanina ay alam kong ubos na ang boses ko.....

Pag katapos maligo ay hinila agad ako ng antok........



Kinabukasan.....


Pag kagising ko palang ay napatakbo ako agad sa banyo dahil bumabaliktad ang sikmura ko......

Naluluha luha akong lumabas ng banyo at pumipintig pintig din ang ulo ko......

Tama nga ang sabi ng doctor........

Matapos mag ayos ay bumaba agad ako dahil nakaramdam ako ng gutom.
Dahil sa dami ng nangyari kahapon ay hindi ko na nagawang kumain....
Ang huling kain ko ata ay kahapon pa ng gabi.....

Oh my god baby! sorry sorry...

Napahaplos ako sa tiyan ko.

"Pati ikaw nagugutom na rin siguro"mahinang pagkausap ko sa kanya....

The last heir Where stories live. Discover now