Chapter 37

75 1 1
                                    

"Anak bat di ka pa nag bibihis?"

"Eh La mainit po si Dale eh,nag laro kase ng nag laro sa ulan kahapon kaya ayun mainit"

"Hay nako yung batang yun oo,kay hilig maligo sa ulan!O siya anong sasabihin ko kay Don William at tiyak di mo maiiwan yang anak mo?"

"Ah La paki sabi nalang na bukas nalang ako pupunta pag magaling na si Dale,At isa pa po mamayang gabi pa po ang dating ng magiging amo ko"

"O sige sige ako na ang bahalang mag paliwanag kay Don William.
Sige nat mauuna na ko,marami pa kaming lulutuin doon"

"Sige po la,ingat kayo"




Pag alis ni lola ay nag luto muna ko ng mainit na sabaw para kay Dale...

"Baby may sabaw na niluto si Nanay oh"malambing na alok ko

Napamulat siya ng kunti at ngumuso..

"Nay masakit ulo ko,at parang may bulak sa ilalim ng ilong ko po"mahinang aniya kaya napangiti ako..

"Mag laro ka ulit ng matagal sa ulan ha?"

"Eh masaya kaya yun nay"pag dadahilan pa niya...

"Eh masaya bang mag ka sipon at lagnat?"

"Hindi po"

"Hmmm sige na bangon na para makakain ka na at makainom ng gamot"

"Nanay di ba pupunta tayo sa mansion ni Don William?"maya maya ay tanong niya..

"May sakit ka pa eh,bukas nalang pag magaling kana"paliwanag ko naman

"Eh pano po pag hindi pa ko magaling bukas?"

"Di hindi pa tayo makakapunta don"

"Eh pano po pag magaling na ko bukas?"

Hito na naman siya...

"Di pupunta na tayo"

"Don na ba tayo titira po?"

"Oo baby,kase may work ako don"

"Pano po si lola wala siyang kasama dito?"

"Edi dadalawin natin siya palagi"

"Promise po?"

"Promise"


Buong araw na yun ay sinulit namin na magkasama...

Dahil alam kong mababawasan ang oras namin sa isat isa...

Pero swerte parin dahil hindi kami mahihiwalay dahil makakasama ko parin siya...

Habang pinag mamasdan kong natutulog ang anak ko ay di ko maiwasang maluha....

Dahil siya ang isa sa nag papaalala sakin ng nakaraan....

Hindi ko lubos maisip na nangyayare pala talaga ang ganito sa totoong buhay,akala ko sa mga pilikula lang.....

Hinahaplos ko ang pisngi niya habang nakatagilid siyang natutulog...

"Wala kayong pinag kaiba ng ama mo anak.
Kamukhang kamukha mo siya...
Pag nakita ka niya siguradong malalaman agad niyang anak ka niya...
Grabe naman kase ang pag kakahawig niyo.
Ako yung nagdala sayo at nag pakahirap pero wala ka man lang nakuha sakin maliban sa maputing balat"

Tawag nga sa kanya ng mga mag sasaka dito ay maliit na diwata dahil sobrang puti niya rin tulad ko...

Kahit laging nasa arawan ay namumula lang siya pero hindi umiitim..

"Kamusta na kaya ang Daddy mo no?"

Hanggang ngayon nakatatak parin sakin yung huling pag uusap namin limang taon na ang nakakaraan....

Maraming tanong ang gusto kong masagot..

Bakit hindi niya kami hinanap......

Bakit wala siya noong kailangan na kailangan namin siya......

Marami kaming pinag daanan ng anak ko.
Dumating sa punto na gabi gabi akong umiiyak noon..
Tinatanong kong bakit sa murang edad ay nararanasan ko ang ganito kahirap.....

Buti nalang at binigyan ako ng dahilan para lumaban at yun ang batang ito...

Ang kaisa isang magandang nangyare sakin....


Napatingin ako sa labas ng bintana at sobrang liwanag ng buwan.....

Napangiti ako ng malungkot habang nakatingin sa buwan.....

"Kay gandang pag masdan ano?"

Biglang may nagsalita sa likuran ko...

"Nandiyan na pala kayo la,kamusta po?"tanong ko matapos mag punas ng luha...

"Umiiyak ka na naman anak,sabi ko naman sayo na wag mo ng alalahanin ang nakalipas at dahil babalik lang ang sakit."aniya at tumabi sakin..

"Hindi ko po maiwasan eh,At pano ko po makakalimutan kung araw araw nakikita ko ang parte ng nakaraan ko"mahinang sabi ko at napatingin ako sa anak ko...

Nasabi ko na rin kay lola na mag kamukha sila ng ama niya....

Napahinga si lola ng malalim...

"Hindi mo ba gugustuhin na malaman kong nasaan na ang ama ni Dale apo"

"Para saan pa po,maraming taon na ang lumipas,kung gugustuhin niya sana noon pa hinanap na niya kami,pero wala.
Tingin ko la may sariling pamilya narin siya ngayon"

Alam ko naman ang kakayahan niya,kung gugustuhin niya kaming mahanap madali lang para sa kanya yun,pero wala.....

"Alam mo apo,minsan kahit gaano natin kagustong mangyare ang isang bagay,naka depende parin sa sitwasyon ang lahat..."

"Okay na yun la,masaya naman kami ni Dale,masaya naman tayo,Hanggat nandiyan kayo ni Dale may rason ako para mag sumikap"

"Malayong malayo ka na talaga s dating Dane apo....
Dati puro englis ang lumalabas sa bibig mo at napaka arte mo pa noon!
Pero ngayon look at you now!"

Napa english pa nga...

Natawa tuloy kami sa sinabi ni Lola.....

"Kamusta pala ang pag dating ng bagong may ari ng Haceinda la?"pag iiba ko sa usapan.....

"Ayun maayos naman kaya lang eh hindi rin namin nakita ang istura niya"parang nanghihinayang na aniya .

"Bakit naman po,matapobre po ba?"

"Ay hindi ko masasagot iyan hija.
Gabi na kase masyado ng dumating iyon.
At talagang bigtime dahil naka hilikopter  pa aba!"natawa ako sa reaksyon ni lola...

"Mayaman daw talaga iyon la,kilalang kilala siya sa buong bansa at maski daw sa Europe ay maraming nakaka kilala sa negosyanteng iyon sabi ni Don William..."

"Ay talagang bigatin pala ano?
Si Don William na nga lang ang kasama namin kanina sa salo salo dahil napagod daw ng husto yung bagong may ari kaya kami kami nalang ang nag salo salo doon.
Baka daw sa mga susunod na linggo eh mag patawag nalang ng meeting para sa mga pag babago at idaragdag sa Haceinda..."

"Tingin ko La,matanda na yun at masungit.
Ganun naman yung mga mayayaman na business man diba?"

"Yun din ang hula namin nila Silmo eh.
Kaya pag butihin mo nalang apo.
Tungkol pala sa batang ito,anong plano mo eh sa kulit at daldal neto baka kung ano pang magawa nito doon"

"Naisip ko na rin yan La,kaya sinabi ko kay Don William na sa dulong parte ng mansion kami ni Dale para malayo sa mismong mansion....
Sa laki ng mansion hindi na makakarating don ang bagong may ari lalo nat matanda na ito....
At sasabihan ko rin ang mga katulong don na wag hayaang makarating kung san san si Dale"

"Ay mabuti naman kung ganoon!Sige na at matulog ka na rin,maaga pa kayo bukas.
Bumaba na ba ang lagnat nito?"

"Opo la,tumalab naman yung gamot na pinainom ko kanina...."

"Mabuti,sige na at mag papahinga na rin ako at sumasakit na ang likod ko"natatawang aniya...

"Sige la mag pahinga ka na"



Sana maging maayos ang lahat bukas.......








The last heir Where stories live. Discover now