Chapter 39

63 7 1
                                    

"Nay!!"

Hay sa wakas nakita din kitang bata ka!

Kanina ko pa siya hinahanap at pa ikot ikot na ko dito sa mansyon pero hindi ko siya nakita...

"San ka ba galing Dale,kanina pa kita hinahanap"sabi ko at dali dali naman itong tumakbo palapit sakin at nag pa karga...

"Eh hinahanap rin po kaya kita"nakangusong sagot nito...

"Nako ikaw talaga gumala ka lang eh"sabay pisil sa pisngi niya...

"Nay alam mo ba,nakita ko na kanina yung bagong may ari ng mansyon"

"Talaga anak,asan na siya?"

Sabi sakin ni Don William ay padating n nga daw ang bagong may ari ng Hacienda pero kaya lang itong atang to nag gala pa kaya hinanap ko muna..
Siya pa pala ang unang makakita...

"Umalis na po ako don kase nag uusap sila ni Don William eh"bibong sagot naman niya..

"Sige puntahan na natin sila,baka hinahanap arin ako ni Don William"

Masayang patalon talon si Dale habang nag lalakad kami papunta sa sala kung nasaan sina Don William...

Napakalaki ng mansyon na ito at napapalibutan din ng mga nag tataasang puno at mga magagandang halaman....

Sariwang sariwa ang hangin kaya siguradong marerelax ang sino man na tumira dito....

Napakatahimik ng lugar na to...

"Oh Dane hija,kanina pa kita hinahanap,at nahanap kana pala ng anak mo"natatawang asik niya..

"Pasensya na po,ito kaseng batang to eh"paumanhin ko at napangiti lang siya..

"And by the way,pinag pahinga ko na muna ang magiging bago mong amo,napagod yun sa byahe,bukas nalang daw kayo mag uusap para sa ibang bagay"paliwanag pa niya...

"Sige po,mag pahinga na rin kayo,papatulugin ko na rin to pagod to kakagala"

"Sige hija aakyat na ko"



Kinabukasan.......


Habang nag lalakad ako papunta sa opisina ng magiging amo ko ay parang merong kakaibang kaba ang namumutawi sa dibdib ko...

Hindi naman ito ang unang beses na mag tratrabaho ako sa ganito pero bakit ako nakakaramdam ng labis na kaba...

Huminga ako ng malalim para maibsan kahit papano ang kaba ko....

Pag tapat ko sa pinto ay nanatili muna kong nakatayo doon...

Ng medyo guminhawa ang pakiramdam ko ay unti unti kong itinaas ang aking mga kamay para kumatok......

Dahan dahan akong kumatok ng tatlong beses at dahan dahan ding pumasok....

Bumungad sakin ang maluwamg na dating opisina ni Don William pero ngayon ay pag mamay ari na ng iba....

"Your late"

Tila nabato ako sa boses na iyon.......

Oh god.....

Unti unting umikot ang upuan sa harapan ko at doon ko nasilayan ang nag mamay ari ng boses na iyon.......

Nanginig nalang bigla ang tuhod ko at para akong matutumba....

Bumalik lahat.......

Nakatitig lang kami sa isat isa pero parang may mali......

Wala man lang emosyon ang mga mata niya....
Na parang wala siyang nakikita sa harap niya.....

The last heir Where stories live. Discover now