Chapter 56

25 2 0
                                    


Ethan's pov

Nakatali ang kamay ko habang nakaupo dito sa loob ng isang bahay....

Akala ko kanina ay kweba ang papasukan namin pero pag dating sa loob ay may pinto,nagulat nalang ako dahil may bahay pala sa loob ng kwebang pinasukan namin...

Pinag papasalamat ko dahil hindi niya ko pinatay.

"Gusto mong kape?"

Nagugulat akong napatingin sa batang nasa harapan ko ngayon!?

Bata?

Baliwala itong nakatayo at nakatingin sakin habang may hawak na tasa...

Taka ko naman siyang tinignan...

"Ayaw mo?tapon ko to?"

Nagulat ako dahil tila itatapon niya talaga ang kape kaya napaayos ako ng upo
Kanina pa ko nauuhaw at tuyong tuyo na ang lalamunan ko..

"Nakatali ako bata"mahinang sabi ko kaya napatingin naman siya sa kamay ko at napa tanho tango pa..

At nanlaki na naman ang mata ko dahil bigla nalang siyang nag labas ng kutsilyo!

"Takot ka no?"aniya at napahagikhik pa!
"Puputulin ko yung tali para makapag kape ka"muling aniya kaya napahinga ako ng maluwag...

"ayan kape kana"sabi niya ng maputol niya ang tali sa kamay ko....

Nag tataka ko naman siyang tinignan bago ko inabot ang tasa at kaagad ininom ang laman buti nalang hindi na gaano kainit....

"Pero wag kang tatakas ha?may baril din kaya ako dito,Sabi ni nanay barilin daw kita pag tumakas ka eh"nakangusong aniya kaya nagugulat ko siyang tinignan!

Ano!

"M-may baril ka?"hindi makapaniwalang tanong ko naman

"Oo naman,to oh"sagot niya at tumagilid pa kaya nakita ko ang maliit nga na baril doon pero mukang totoo talaga,pero maliit ito kumpara sa totoong baril kaya naisip kong laruan lang yun...

Medyo napangiti ako sa batang to ah

"Gusto mo makitang bumaril ako?"alok pa niya kaya napatango nalang ako dahil sa napaka bibo ng batang to...

Kinuha niya ang tasa sa lapag at nag lakad ng hanggang sa may pintuan,medyo may kalayuan dina at pinatong ang tasa sa may lamesa malapit doon bago bumalik dito sa tabi ko....

"Kita mo yun,tatamaan ko yun"pag yayabang pa ng bata

Napa iling nalang ako at napangiti...
Nalilibang ako sa batang to kahit nasa bingit na ng kamatayan ang buhay ko...

Tumindig siya at naging seryuso ang mukha na para bang siguradong sigurado at sanay na sanay sa gagawin....

Mabilis niyang hinugot ang laruan na baril sa tagiliran niya at umalingawngaw ang malakas na putok ng baril dito sa loob!

Nagugulat akong napatingin sa kanya!!

Totoong baril pala talaga yun!

Tatawa tawa siya habang pinapanood ang pag ka gulat ko!

Napatingin ako sa tasa at wasak na ito ngayon!

Akala ko laruan lang yun!

"Diba?ang galing ko?"aniya pa at kunwaring hinipan pa ang dulo ng baril na umuusok pa nga talaga!

"A-kala ko l-laruan lang yang baril na yan"hindi makapaniwalang ani ko

"Tinuruan ako ng nanay ko gumamit nito eh"inosenteng sagot naman niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The last heir Where stories live. Discover now