Chapter 50

52 5 0
                                    

Nagising ako dahil sa isang magaan na haplos sa aking pisngi kaya unti unti kung minulat ang mga mata ko............

Hindi ko alam pero kusa akong napangiti dahil sa aking nasilayan.....

Limang taon ang nakalipas pero parang walang pinagbago ang mukha niya....

Hindi ako gumalaw para mas matitigan ko pa siya ng matagal....

Dahil sa mga haplos niya ay napapawi nito lahat....
Napaka inosenting mga mata,na kahit alam kung puro kadiliman ang nakikita niya ay punong puno parin ng emosyon ang mga ito....

Tanda ko pa ng una kaming mag kita dito sa Hacienda....
Wala akong makitang kahit na ano sa mga mata niya...
Napaka blangko at sobrang lamig kung tumingin......

Pero ngayon ay halo halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya....

Hindi mo aakalaing bulag siya,dahil kahit kilos at bawat ginagawa niya ay parang nakakakita talaga siya.....

"Why are you staring me like that baby hmm"

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa bigla siyang nagsalita....

Diretso lang ang tingin niya pano niya nalaman na naka titig ako sa kanya?

"Hindi ah"pag tanggi ko kaya sumilay ang ngiti niya....

"Why are you smiling then?"dagdag pa niya kaya napailing na naman ako

"Hindi naman ako ngumingiti eh"muling pag tanggi ko....

"Nararamdaman ko"maiksing aniya lang kaya napabuntong hininga nalang ako...

"Ganun ba kalakas yang pakiramdam mo a kahit pag ngiti eh nalalaman mo na"pag rarason ko nalang habang nakatingala sa kanya....

Nakaupo siya sa gilid ko habang ako ay nakahiga parin at hinahaplos niya ang pisngi ko kaya napapapikit nalang ako sa lambot ng palad niya.....

"Si L ang nagturo sakin,papalapit palang yung lamok nalalaman na niya kaya kahit kailan hindi pa siya nakakagat"

"Talaga!"hindi makapaniwalang ani ko naman...grabe naman yun.....

At bigla kong naalala ang huling usap namin ni Love ay ni L pala....

Yung nalalaman niya yung nasa isip ko palang.....

Napatango tango nalang ako dahil alam kung totoo ang sinasabi niya....

"Eh pano niyo ba nagagawa yan?"kuryusong tanong ko naman...

"I don't know?it takes time to do it but i think L knows the secret...."

Pero sa gitna ng pag uusap namin ay may narinig kaming tunog kaya napatingin ako sa kanya at kahit siya ay napalingon din sakin at biglang napangiti.....

"My baby is hungry huh?"

"Gutom na nga ko eh!ikaw kase!"pabiro ko siyang hinampas at naunang bumangon sa kama.....

Nauna akong maligo sa kanya at sinigurado kong naka lock ang pinto ng banyo dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng lalaking yun....

Matapos ako ay sumunod din naman siya at sabay kaming bumaba.....

"Napasarap yata ang tulog niyo ha!?nakalimutan niyo atang may anak kayong gutom dito eh!"

Nagkatingin kami ni Vale kahit di niya ko nakikita pero parehas kami ng reaksyon dahi sa bungad ni Dale sa amin...

Naka tayo siya malapit sa mesa at nakahalukipkip na parang inip na inip at naka busangot na ang mukha.....

Lumapit ako sa kanya at kinarga siya habang hinahalikan sa pisngi....

The last heir Where stories live. Discover now