Chapter 46

86 6 0
                                    

Tong batang to!

"Anak hindi naman kami nag tabi....diba sir Vale?"palihim akong tumingin kay Vale na nakakunot lang ang noo maski siya ay nag tataka kung bakit ganito tong batang to!

Anak mo yan!

"O-oh yeah......"maang naman na sagot niya..

Pero tumaas lang ang kilay ni Dale lagi niyang ginagawa yan pag ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ng kausap niya....

"Pumasok na ko kanina dito,tulog pa kayo at magkayakap pa,wala pa kayong suot.Di ba kayo nilalamig?"

Nanlaki na talaga ang mata ko sa sinabi ng anak ko at kita ko rin ang pagkagulat sa reaksyon ni Vale at napapalunok nalang....

"H-ha e-eh anak kase....."hindi ko alam ang sasabihin ko....

"Siya ba ang tatay ko nay?"tinuro pa talaga niya si Vale na nabigla din.....

Nagulat talaga kaming dalawa sa biglaang tanong niyang iyon.....

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin....

"Sabi sakin ni Lolo Silmo ang nanay at tatay daw ang gumagawa ng anak,Tinanong ko kung paano sila gumagawa..Sabi niya lang pag nag tatabi daw sa pag tulog.....
Ibig bang sabihin nay gumagawa kayo ng kapatid ko?"

Jusko si Mang Silmo talaga kung ano ano sinasabi dito....

Alam ko namang ganito tong batang to pero hindi ko sukat akalain na masasabi niya ang mga ganung bagay.....

Napatingin ako kay Vale at parehas na parehas kami ng reaksyon.....

"Oh god"rinig kong bulong ni Vale at kunot parin ang noo habang nakalingon sa kinatatayuan ni Dale.......

Doon ko lang napagkumpara na sadyang walang nakuha sakin ang anak ko....

Iisang hulma sila......

Tanging ang kulay ko ang namana niya sa akin......

"Nak ipapaliwanag sayo ni nanay ha?"lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya...

Tumango tango naman ito kaya napangiti ako.....

"Dale diba sabi ko sayo noon na nasa malayo ang tatay mo."

"Oo ayy opo pala"napangti pa ko sa sagot niya,minsan talaga nakakalimutan niyang mag po kaya kung hindi siya kilala ng kausap niya ay mapagkakamalan siyang walang galang na bata....

"Anak siya ang tatay mo"naluluhang ani ko at nag pipigil ng iyak....

Pero hindi man lang nagbago ang reaksyon niya kaya nagtataka ko siyang tinitigan....

"Alam ko.....po"

"What the"mahinang asik ni Vale...

"Anong ibig mong sabihin anak?"

Bigla siyang tumingin kay Vale na parang siguradong sigurado talaga siya sa sinabi niya...

"Parehas kami ng mata,kahit parang walang buhay yung sa kanya pero nay parehas talaga kami,Tapos yung ilong niya,yung labi,tingin ko nga pag humaba buhok niyan ganun ang magiging itsura ko pag dalaga na ko eh"aniya pa at talagang napahawak pa sa baba na parang iniimagine talaga kung anong magiging istura niya pag laki........

"Come here my Princess"biglang nagsalita si Vale at itinaas ang kanyang isang kamay at maluhaluha rin ang kanyang mga mata.......

Tumingin si Dale sakin na para bang nagpapaalam kaya nginitian ko siya at tumango.....

Unti unti namang lumapit si Dale sa kanyang ama at ng mahawakan ni Vale ang balikat ng anak ay kinapa niya ng dahan dahan ang mukh ni Dale,kita ko ang panginginig sa mga kamay niya.
Tuluyan naring pumatak ang luha niya ng masapo ang pisngi ng anak......

The last heir Where stories live. Discover now