Chapter 52

53 6 0
                                    


Matapos ang mahabang paliwanagan kanina ay tahimik parin siya...
Mula kanina ay wala pa kong naririnig mula sa kanya..

Pag katapos kong paliguan si Dale ay hinatid na siya ng ama niya sa kwarto niya...

Naligo nalang muna ko habang inaantay si Vale dahil alam kong mag lalambing na naman si Dale sa kanya at marami pang usap ang magaganap sa dalawang yun bago makaalis si Vale....

Pag labas ko ay wala parin si Vale kaya nag ayos ayos muna ko dito sa kwarto namin...

Mag aalas onse narin ng gabi,dito narin mag lalagi yung lima dahil hindi ko na sila pinabalik ng manila...

Nasabi ko na lahat ng plano ko at sumang ayun naman sila.

Kaninang nag papaliwanag ako ay tanging si Sy,L,Rhay lang ang nagtatanong.

Dahil si Sane at Vy ay sadyang sobrang tahimik talaga...

Si Sane ay laging nakapitik na tila parang laging natutulog pero gising naman daw sadyang ganoon lang daw siya ewan ko ba...

Si Vy naman ay sobrang tahimik lang talaga...

Pero sabi sakin ni Vale dati ay si Sane at Vy daw ang pinaka magaling sa kanila sa pakikipag laban...
Napatunayan ko rin yun dahil nakita ko sila kanina kung paano sila makipag laban.

Si Sane na akala mo antukin pero napakahusay sa pag asinta.
Si Vy naman ay walang gamit na baril pero siya ang pinaka maraming napuruhan kanina.....

Si Sy at Rhay naman laging nag babangayan kulang nalang sila yung magpatayan eh...

Si L naman ay siya yung nag sisilbing mata ng lahat,nakikita niya yung mga hindi nakikita ng iba...

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay narinig kong bumukas ang pinto kaya alam kong siya na yun....

"Tulog na ba si Dale bago ka umalis?"bungad na tanong ko

Dumiretsyo lang siya sa kama habang ako ay nakaupo sa gilid at nag papatuyo ng buhok...

"Yeah"maikling sagot niya at nahiga na,nilagay niya yung braso sa bandang noo at pumikit......

Tuyo naman na ang buhok ko kaya,nahiga nadin ako....

May nagtulak sakin na lumapit sa kanya akala ko ay iiwas siya pero hinayaan niya lang akong umunan sa dibdib niya at yakapin siya.....

"May gusto ka bang sabihin?"mahinang tanong ko...

"No,nothing"seryusong sagot niya...

Alam ko naman na may bumabagabag sa kanya...

"May problema ba?"muling tanong ko...

"Is just that,ibang iba ka sa kwento sakin noon nila L..."

"Ako parin naman yun"

"Yun na nga eh,wala akong basehan kong ano ka noon"natahimik ako sa sinabi niya...

"Hindi mo ba gusto yung ako ngayon Vale?"mahinang tanong ko...

Hindi siya sumagot kaya nagkaroon ng tila kirot sa dibdib ko.....

"Alam mo bang angtagal kong hinintay to,ung makayakap ka ulit"naluluhang sabi ko kaya mas humigpit pa ang yakap niya sakin.....

"Wala akong maalalang nagustuhan kita Dane....But my heart never forget you....
Your still here"hinawakan niya ang palad ko at dinala sa dibdib niya kaya damang dama ko ang mabilis na pintig ng puso niya"My fellings for you are still here...
And now....your awakening it"

Napaluha ako dahil sa mga sinabi niya....
Hindi ko akalaing mararamdaman ko pa to ulit.....

Kung tutuusin parehas lang kami....

The last heir Where stories live. Discover now