Chapter 34

75 5 2
                                    

"Anak ko.....w-wag ang a-anak ko...."

"P-please not my daughter..."

"Wag!!!"

"Dane!huminahon ka!Binangungot ka na naman jusko kang bata ka!"

Nagising akong umiiyak at hawak hawak ni Lola ang mag kabilang balikat ko at bakas sa reaksyon niya ang pag ka awa at lungkot.....

Isa na namang panaginip......

Madalas akong makaranas ng ganito dahil sa mga nangyari noon sakin.....samin.....

Mag sisimula sa masayang panaginip pero kalaunan mapapalitan ng isang trahedya...

Iisang eksina lang ang lagi kong napapanaginipan....

Yun ay ang masayang kaarawan ng anak ko ....Hanggang sa bigla bigla nalang itong mag babago at lahat ng nasa paligid ko ay nawawala...

Mapupunta ako sa lugar kung saan nakatali ako at ang aking anak.....

Habang napapalibutan kami ng mga lalaking naka maskara at may mga hawak na baril......

Naaawa ako sa sarili ko pero mas naaawa ako sa baby ko...

She was just 2 years old at that time.....

Nakita rin ng mga mata ko kung pano nila pahirapan at kitlan ng buhay ang Lolo ko...

Hiniling ko na sana may dumating at mag ligtas sa amin ng baby ko pero wala.......

Labis na pag hihirap ang dinanas namin sa mga kamay ng mga taong yun noon......

Matapos nila akong pahirapan ay pinilit nila kong papirmahin....

Dahil ayaw kong may gawin sila sa anak ko ay ginawa ko nalang ang gusto nila.....

Matapos ang lahat ay maswerte kami dahil may mga taong nag ligtas sa amin ng anak ko....

Hindi ko sila namukaan dahil nakamaskara rin sila....

Hanggang ngayon pinag dadasal ko sila at pinapasalamatan dahil kundi dahil sa kanila ay wala na kami ng anak ko......

Pag katapos ng trahedyang iyon ay lumayo kami ng anak ko sa lahat...

Buti nalang at nakita kami ni Lola Mercedes kaya dinala niya kami dito sa probinsya nila......

Nakatakas siya sa mga kamay ng pumatay sa Lolo ko...

Dito ko na pinalaki ang anak ko at ngayon ay apat na taon na siya.....

Pero hindi ako nilulubayan ng nakaraan dahil sa panaginip na iyon......

Namuhay kaming simple dito sa kanila Lola Mercedes...

Nag tratrabaho rin ako bilang taga pangalaga ng Hacienda ng mga Vientes....

Isa sila sa may pinaka malaking Hacienda dito s probensyang ito....

Kaya kahit papano ay namumuhay kami ng payak pero masaya at nakakaraos naman.....

Simula kase ng nawala si Lolo ay nawala na rin lahat.....

Sabi ni Lola Mercedes na mas mayaman pa ako kesa sa mga Vientes kung tutuusin dahil ako ang nag iisang tagapag mana ng buong angkan ng Zenon...

Pero ng sinabi ko sa kanya na may pinirmahan ako noong dinukot nila kami ng anak ko ay sobrang nagulat siya.....

Naging masalimuot ang tadhana ko....namin ng anak ko......

Pero ginawa ko ang lahat para makabangon at maging masaya sa piling ng anak ko....

"Ilang linggo ka ng hindi binabangungot Dane,akala ko nalampasan mo na iyon at hindi na mangyayare pa ang masamang panaginip na iyon pero nagkamali ako..."malungkot na aniya habang pinapunasan ang mga luhang nag uunahan sa pag bagsak mula sa mata ko....

The last heir Where stories live. Discover now