Chapter 30

139 7 1
                                    

Lumipas ang mga araw sa bahay ni lolo at masasabi kong narerelax ako kahit papano at nakakatulong iyon sa pag bubuntis ko pero may mga oras parin na natutulala ako at di ko namamalayan na umaagos na ang luha ko.......

Dumaan ang araw at mga linggo hanggang sa dumating sa point na hindi na ako pinayagan lumabas ni lolo sa hindi ko malaman na kadahilanan...

Pag tinatanong ko siya ay lagi niyang sinasabing para sa kaligtasan ko ito.

Minsan ko rin siyang narinig sa kwarto niya na may kausap sa cellphone at galit na galit siya.......

Namimiss ko na siya.......

Nandito ako ngayon sa veranda ng aking kwarto at pinag mamasdan ang langit habang tinatangay ng hangin ang isip ko......

It's been a month baby,namimis ko ang daddy mo.....

Kahit anong hirap at sakit na pinaramdam niya sakin bakit namimiss ko parin siya......

Nabasag lang ang pag iisip ko ng may parang nakita akong nakatayo sa may harap ng gate......

Dahil malayo ako ay parang anino lang ito pero sigurado akong may nakatayong tao don.....

Tinitigan kong mabuti at parang nakaharap siya sa direksyon ko kaya nagtaka ako.....

Hindi ko alam pero may nagtutulak sakin na bumaba at tignan iyon kaya dali dali akong bumaba ng bahay.....

Pag labas ko palang ay humampas na sakin ang napakalamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.....

Lumabas ako ng gate at dahil kalagitnaan na ng gabi ay wala ng mga bantay at alam kong nasa likod sila......

Nilibot ko ang paningin ko pero wala naman akong makitang imahe ng tao...

Madilim man pero kita naman kong may tao pero tanging mga puno at halaman lang ang nakikita kong sumasayaw dahil sa ihip ng hangin.....

Tatalikod na sana ako para bumalik s loob ng may narinig akong kumaloskos sa kanan ko kaya napaharap ako don.....

At sa dilim ay unti unting nabuo ang imahe ng isang tao.....

Dahil sa kaba ay napa attras ako.....

"W-who are y-you?"kabadong asik ko....

Pero hindi ko maaninag ang mukha niya pero nasisiguro kong lalaki ito dahil sa hubog ng katawan nito....

"Who are you!"inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para lang maisatinig iyon

Pero wala parin akong nakuhang sagot mula rito at patuloy lang siya sa dahan dahang pag lapit sakin kaya mas kinabahan ako......

Hanggang sa unti unti kong maaninag ang mukha niya dahil sa liwanag ng buwan........

"How are you baby"

Sa apat na katagang iyon ay parang nanlambot ako bigla......

It's him baby....... your Daddy.......

At ng masilayan ko na ang kabuuan niya ay nag umpisa ng pumatak ang mga luha ko.....

Bumalik ang lahat.....

"W-why?"umiiyak na tanong ko,at alam kong sa simpleng tanong ko na iyon ay nag hahangad ng napakalaking kasagutan.....

Pero may kakaiba sa kanya ngayon......

Namumutla siya at ang lungkot ng mga mata niya,di tulad ng huling pag kikit namin na napakalamig ng mga matang iyan.....

Pero ang kasagutang hinihintay ko ay hindi ko nakuha dahil nakatitig lang siya sakin.......

The last heir Where stories live. Discover now