Chapter 35

76 4 0
                                    

Matapos ang pag uusap naming lahat ay pinatawag ako ni Don William para sabihin ang lahat ng gagawin ko bilang personal assistant ng darating na bagong may ari ng Hacienda......

At ang batang ito na nasa tabi ko ay nag pumilit na sumama kaya wala akong nagawa.... .

Hindi ko sana papayagan pero,wala naman akong choice dahil mag pupulong din sila Lola at ang iba pa kaya sinama ko na embes na mangulit pa siya doon.....

"Hija hito pakainin mo muna si Dale"abot sakin ni Manang Fe ang mayordoma dito sa Mansion ng mga Vientes.....

"Nako nag abala pa kayo,salamat po Manang"nahihiyang ani ko

"Nako bisita ka dito hija,sige na pakainin mo muna si Dale habang wala pa ang Don...pababa na rin yun maya maya...."

"Sige po"nakangiting sagot ko at inumpisahang pakainin ang batang kanina pa nakatingin sa pag kain....

"Nanay dito ka na ba titira?"maya maya ay tanong niya habang nginunguya ang pagkain...

"Depende pa anak sa mapag uusapan namin ng Don"sagot ko naman at muli siyang sinubuan....

"Eh pano po kung dito kayo patirahin?Eh di hindi na tayo mag kikita"nakangusong aniya naman...

"Syempre hindi naman ako papayag baby.."

"Bakit hin-"

"Ayan na ang Don"putol ni Manang kay Dale kaya napasubo nalang siya ng pag kain.....

At ng makaupo ang Don ay inaya naman ni Manang si Dale para doon kumain sa garden para narin hindi rin  maka istorbo
sa pag uusap namin ng Don...

Sobrang daldal pa naman ng batang iyon...



"Sorry hija pinaghintay kita"

"Ay hindi po,okay lang naman po"

"By the way narito ang contrata na inihanda ng tauhan ng magiging boss mo.
Nakasaad sa kontrata na iyan na mag tratrabaho ka bilang personal assistant niya hanggat nandito siya....
Sa sweldo naman ay kayo na ang mag uusap tungkol don.
Gagawin mo lahat ng iuutos niya sayo hanggat sakop ito ng trabaho mo...
And i know your very qualified in this kind of stuff Dane....
I know your capabilities,nakita ko yun habang nag tratrabaho ka dito sa Hacienda...
Your smart and very good in decision making,I know you can do it...
Just be your self at all times Dane.
And you can handle this king...."mahabang paliwanag ni Don William...

Pero nalito ako sa huling sinabi niya...

King?

"Oh i forgot nakasaad din pala dito na syempre bilang personal assistant niya ay kailangan handa ka palagi pag kinailangan ka niya so,He decided na dito ka mag stay,pag usapan niyo nalang kung kailan ang off mo..."dag dag pa niya..

"Pero Don William pano po si Dale,hindi ko naman po pwedeng iwan siya kay Lola dahil may edad na po siya...
At ayoko pong mahirapan siya sa pag aalaga sa anak ko..."sagot ko naman kaya napaisip din siya at napatango tango pa..

"Oo nga ano?hindi ko naisip yung batang makulit na yun"aniya naman....

"Hindi naman sa maarte ako sa trabaho Don William pero hindi ko po kayang malayo sa anak ko...
Gusto ko lagi ko siyang nakikita at nababantayan...."paliwanag ko pa...

"Okay then,you can take your daughter here with you."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya..

"Nako mahirap yata yan Don William,kilala niyo naman si Dale,sobrang kulit at daldal"nahihiyang sabi ko kaya natawa niya...

"As long as nagagawa mo ng maayos ang trabaho mo Dane walang magiging problema don...
Nandiyan naman ang ibang made ko dito at kilala naman nila si Dale,tuwang tuwa nga sila sa batang iyon....
I need your decision now Dane.....deal or deal?"

The last heir Where stories live. Discover now