Chapter 43

75 7 2
                                    

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa haplos sa aking pisngi.....

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nasilayan ang mukha ng lalaking matagal ko ng gustong gustong makita....

Matapos kong ilahad sa kanila lahat ng mga nangyare sakin ay di ko na kinaya pa kaya nawalan ako ng malay.....

Nakangiti ito habang malamlam ang tingin sakin....

Pumikit ako ng matagal dahil baka isa na namang panaginip ang lahat ng ito....

Mag mulat ko ay napakalapit na ng mukha niya sakin.....

"I know sorry is not enough,you don't deserve those pain....."bulong niya habang patuloy na hinahaplos ng hinlalaki niya ang pisngi ko..........

"Bakit ka nabulag"sinalubong ko ang mata niya habang

Natahimik siya sa tanong ko at tila ba hindi niya alam ang isasagot....

"The man who killed your grandfather,siya ang may kagagawan nito sabi sakin"seryusong aniya...

"Hindi ko maitatanong sayo yung gusto kong itanong dahil wala ka namang maibibigay saking sagot.."sabi ko at mag tatangkang bumangon pero pinigilan niya ko gamit ang kanyang mga braso....

"Nakalimutan ko man ang nakaraan natin pero pwede naman tayong mag umpisa ulit diba?"umaasang aniya....

"Hindi ganon kadali yun Vale"sagot ko habang maluha luhang nakatingin sa kanya..

Ilang pulgada lang ang lapit ng aming mga mukha....

"Yes but we can try right?"

"Marami ng nagbago....Hindi ko alam kong kakayanin ko pa pag nasaktan ulit ako.....kami..."mukang nalito siya sa sinabi ko....

Dahil hindi ko nabanggit sa kanila kanina si Dale dahil natatakot ako....

Oo nasabi ko na buntis ako nun pero hindi na sila nag karoon ng pag kakataon na mag tanong dahil nawalan na ko ng malay...

"Oo may anak tayo Vale......Mag lilimang taon na siya sa susunod na buwan"naiiyak ako pero nakangiti ko paring sinabi iyon...

"Tell me more about our baby please...."mahihimigan talaga ang pang hihinayang at lungkot sa reaksyon niya...

Naiintindihan ko siya...

Alam kong hindi rin madali ang pinagdaanan niya sa nakaraaang limang taon.....

At maslalo na ngayon na wala man lang siyang maalala at makita.....

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon..
Pero isa lang ang masasabi ko...

Masaya ako dahil sa mga nangyayare.....

Siguro parte talaga ng buhay ang hirap at sakit.
Pero ang mahalaga malampasan ang lahat ng pagsubok na dumating at laging piliing maging masaya.....

"I want to meet our baby Dane...."

"Tingin ko nakilala mo na siya...."

Natahimik siya at tila may inaalala....

"That young woman"bulong niya pero rinig ko naman....

"Lumaki siyang masiyahin,madaldal,bibo,at higit sa lahat napaka maintindihin niyang bata..
Pero minsan parang hindi siya apat na taon lang kong makipag usap sa ibang tao."pag kwekwento ko at bumalatay ang ngiti sa labi niya.....

"I can't wait to meet that little princess"nakangiting aniya at hinawakan ang mukha ko...

"Babae siya Vale,at kamukang kamuka mo siya...."

The last heir Where stories live. Discover now