CHAPTER 1

717 18 0
                                    

Gumising nang maaga si Jane para salubongin ang mga bisita na balita niya'y mananatili ng tatlong buwan para sa kanilang gagawing proyekto.Ayon sa natanggap niyang report galing sa kaniyang mga empleyado ay napili itong lokasiyon na ito dahil sa magagandang tanawin na sakto sa kanilang tema.
Isa itong malayong isla sa bandang timog na may taglay na kagandahang malaparaiso.
Marami rami rin ang nakakadiskubre sa lugar na ito at dinadayo rin ng mga turista o di kaya'y mga simpleng manlalakbay kahit hindi naman talaga nila ito sinasapubliko para na rin mapanatili ang kalinisan at yaman nito pero napapayag nila ang may ari na tito naman ni Jane.Siya muna kase ang naatasang tagapamahala habang nasa America pa ang tito niya,wala rin namang ibang maasahan dahil may sakit ang mama niya.Kasama niya rito ang ilang guwardya,katulong,hardinero,at iba pa.
Pero malaki ang pasasalamat niya dahil sinamahan siya ng matalik niyang kaibigan na si Josh.

Nakaabang na ang dalawa sa labas at mula sa kinatatayuan nila ay maririnig mo na ang hampas ng mga alon at malalanghap mo na rin ang simoy ng sariwang hangin.

Ilang sandali pa'y dumating na ang mga bisita sakay ng isang yacht.

"Ang gara naman." Bulong ni Josh sa kaniya.

Hindi niya na lang ito pinansin at masayang binati ang mga bisita.

"Good morning and welcome to Sunshine's Island!"

Sumabay naman sa pagbati sa kaniya si Josh.

"Ang ganda pala talaga dito,no?Ako nga pala si Direk Louie,and those at the back are our staffs and crew."

Kinawayan niya naman ito.

"And these gorgeous lady and handsome men ay ang mga bida sa gagawin naming proyekto."

Isa isa naman niya itong dinaanan ng tingin.

Isa sa dalawang lalake ay mistiso at halatang maraming kababaihang mababaliw sa kagwapuhan nito,ang isa naman ay may katangkaran na medyo maangas ang dating.

"This is Marco." Pagturo ni Direk sa lalakeng medyo maangas.

"And this is Markus." Ngumiti naman ito bahagya sa kanila ni Josh.

"Ayos,isang letra lang ang dinagdag."

Pabirong sabi ni Josh na nakatim naman ng kurot mula kay Jane.

Ang dalawang babae naman ay parehong nakasuot ng sunglasses ngunit ay isa na mukhang mabait sa paningin ni Jane ay nakatrouser at yong isa naman na mukhang mataray ay nakasuot ng dress.

"This beautiful lady here is Julia,beside her is Janella."

"Kinagagalak naming makilala kayo,I'm Jane,tagapamahala dito."

Napansin naman niya ang pagbaba sa suot na sunglasses ng babaeng tinawag ni Direk na Janella.Bahagya silang nagkatinginan ngunit agad din itong umiwas at binaling ang atensyon kung saan-saan.

"Ako naman si Josh,best friend niya."

"Sasamahan po kayo ni Josh para ituro po ang mga rooms niyo.Sabihan niyo lang din po ang mga empleyado namin dito kung may
kailangan kayo."

Matapos iyon ay bumalik na si Jane sa kaniyang silid at may inasekaso saglit.Si Josh naman ay nagpatulong na sa ibang impleyado para sa paghahanda ng makakain nila.
Huli nitong hinatid sina Julia at Janella sa room nila sa bandang dulo na malapit lapit sa white house.

Kinagabihan ay nagkaroon ng kaunting salo-salo bilang welcome celebration ng mga bisita dahil simula bukas ay mag uumpisa na silang magshoot.

Sa kasalukuyan ay masaya silang nagkukwentuhan sa may dalampasigan.
Mayroong bonfire na nagsisilbing ilaw at pampawi sa lamig.Si Markus ay pinapatugtog ang gitara habang ang kanilang kasamahan ay nakikikanta.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now