CHAPTER 2

274 16 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at kapansin pansin na nga ang pagiging malapit nina Jane at Janella.Lagi itong magkasama sa tuwing parehas silang may bakanteng oras.

Sa kasalukuyan ay kumakain si Jane ng pananghalian kasama si Emily na isa rin sa mga empleyado nila na para na rin nitong kaibigan.

“Bagay talaga sila ano?” Sabi ni Emily na nakatingin kina Markus at Janella habang gumagawa ang dalawa ng kanilang eksena.

Napatingin din si Jane.Hindi naman niya maitatanggi na totoo ang itinural ni Emily.Bagay naman talaga ang dalawa at napaghahalataan din nito na iba ang titig ni Markus kay Janella.

“Oo nga e.”

“Diba close naman kayo ni Janella?May nabanggit ba siya sayo tungkol sa kung anong real score nilang dalawa?”

“Hindi namin napag uusapan yang mga ganyan e.Saka di naman ganon kahaba ang pinagsamahan namin para tanungin ko siya tungkol sa pribado niyang buhay.”

Gustuhin man nito ngunit ayaw naman niyang manghimasok sa buhay ni Janella,kaya maghihintay na lamang ito na si Janella mismo ang magsabi sa kaniya.

“Pero alam mo ba?Nakita ko silang dalawa kahapon na parang ang seryoso ng pinag usapan.Akala ko pa nga nagtatalo sila, tapos nong paalis na si Janella,nakita kong hinawakan ni Markus ang kamay niya para pigilan siya.” Pagkwento naman ni Emily.

Hindi na sumagot si Jane at nagpokus na lamang sa pagkain.

Alas tres ng hapon nang matapos si Janella sa kaniyang huling eksena sa araw na ito.Dahil sa pagod at gutom ay agad itong pumunta sa kusina at kumuha ng makakain.Araw araw kasing parang may catering dahil request ito ng direktor at manager nila,pampawi sa pagod at stress.

“Jea.”

Hindi nito namalayang sumunod pala si Markus sa kaniya kaya nabigla ito.

“Yes?May kailangan ka?” Tanong niya habang hinihiwa ang cake.

“Gusto ko lang sanang ipaalala sayo na seryoso ako sa sinabi ko sayo kahapon.”

Bakas sa mukha ni Markus ang pagiging seryoso nito sa mga binitawan niyang salita.

Napabuntong hininga lamang si Janella.

“At sinabi ko na rin sayo diba?”

“Pero sinusubukan ko.” Pagsabat naman kaagad ni Markus.

“Ilang beses ko pa bang uulitin sayo,Markus?Akala ko ba nagkasundo na tayo?Ilang beses na rin natin tong pinag usapan diba?”

Pinipigilan nito ang sarili na magtaas ng boses dahil baka may makarinig sa kanila.

“I know,pero paano si Trev?Gusto ko siyang maging masaya.”

“Bakit?” May halong pang uuyam na tawa nito.

“Masaya naman siya sakin.Masaya rin naman siya pag magkasama kayo.Okay siya Markus,
and it's better this way.” Dagdag pa niya.

Magsasalita pa sana si Markus nang biglang nasulyapan ni Janella si Jane na dumadaan sa labas kaya agad niya itong pinuntahan dala dala ang platito na may piraso ng cake.

“Janeh!” Sigaw nito.

Naiwan namang mag isa si Markus at ibinalik na lamang sa refrigerator ang kalahati ng cake na pinagkunan ni Janella.

“Janeh!” Pagtawag muli nito.

Napalingon naman si Jane sa kaniya.

“Jea,bakit?” Takang tanong nito dahil nga may hawak hawak pang platito si Janella at para bang hinahabol pa ang paghinga.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now