CHAPTER 3

262 13 0
                                    

Masusing nag eensayo si Janella para sa kanilang eksena ni Markus.Kinakabisado nito ang kaniyang mga bibitawang linya at inaaral ang tamang emosyon na nararapat dito.
Isa ito sa mabibigat na eksena na gagampanan niya kaya naman gusto niyang gandahan at maging maayos ang resulta nito.

Sina Josh naman at Jane maging ang mga iba pang empleyado at turista ay nag aabang din.Sa ngayon ay kinukunan ng eksena sina Marco at Markus,hanggang sa dumating na nga sa punto kung saan papasok na ang character ni Janella at sa kanilang dalawa na nakatutok ang camera.

“Ang galing naman nila,damang dama ko talaga.” Sabi ng isa sa mga katabi nila Jane at Josh.

“Ayan na!”

Hindi mapigilan ng iilan na tumili nang maglapit ang mukha nina Janella at Markus.

Ngunit napalitan ng gulat at sakit ang kanilang naramdaman nang sampalin ni Janella si Markus at dali daling lumakad papalayo sa kaniya na siyang naging dahilan para habulin ito,at niyakap ito patalikod.

“Mamamatay na ata ako sa kilig!” Sabi ni Emily.

Tahimik lamang si Jane na nanunuod sa kanila.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso niya ng akmang maghahalikan na ang dalawa.

Kung anong saya ang naramdaman ng karamihan ay siya namang kabaliktaran sa nararamdaman ni Jane nang magdampi na nga ang mga labi ng dalawa.

Para bang tinusok tusok ang kaniyang puso at hindi nito lubos maunawaan kung bakit nararamdaman na iyon.

“And cut!” Sigaw ng direktor.

“Good job guys!”

Hiyawan at palakpakan ay maririnig nang matapos ang eksena.Napansin naman ni Jane na naglalakad palapit sa kanila si Julia kaya iniwas nito ang tingin kay Janella at tumingin kay Josh para makita ang reaksyon nito dahil may ibang pakiramdam ito sa dalawa.

“Hey,baka gusto niyong sumabay sa amin maglunch?” Pag anyaya ni Julia sa kanila.

“Oo gusto raw ni Josh.” Sabi ni Jane na kinalaki naman ng mata ni Josh.

“Perfect!Let's go?” Masayang sabi ni Julia.

“Ah..sige,susunod na lang kami.” Sabi ni Josh na nahihiyang ngumiti sa kaniya.

“Sigurado yan ah.”

“Oo naman.”

Nang makaalis si Julia ay pinaharap naman ni Josh si Jane sa kaniya na parang kuya na sesermonan ang nakababatang kapatid.

“Ba't ka pumayag?” Madiing tanong nito.

“Bakit naman hindi?” Takang tanong ni Jane.

Napabuntong hininga naman si Josh at nilagay ang dalawang kamay sa beywang nito.

“Ano bang problema mo don,Josh?Parang tanga naman to,kakain lang naman hindi ka naman inaya magdate.At saka buti ka pa nga nilapitan.” Dagdag ni Jane sabay irap sa kaniya.

“Pinaglalapit mo kami,no?”

“Hindi.” Tanggi nito.

Halata namang hindi kumbinsido si Josh sa sagot niya.

“Sandali,iniiwasan mo ba siya?” Tanong pa nito.

“Hindi sa ganon.Ayoko lang mapalapit sa kaniya.Ilang buwan lang ang pananatili nila dito,ayoko namang sanayin ang sarili ko tapos magluluksa na lang pag kaalis niya.” Seryosong sagot ni Josh sa kaniya.

Napaisip naman si Jane sa sinabi ng kaibigan dahil may punto talaga ito.Mahirap talagang masanay ka sa isang bagay na hindi rin naman magtatagal.

“Tapatin mo nga ako Josh.May gusto ka na ba sa kaniya?”

Message In A BottleWhere stories live. Discover now