CHAPTER 5

248 14 2
                                    

Buong araw na abala ang casts at mga kasamahan nito sa kanilang ginagawang eksena.Halos lahat na ng parte ng isla ay sinuyod na nila,gumamit pa nga ng bangka sina Markus at Janella na kinunan sa kalagitnaan ng karagatan.Umakyat naman sa puno ng niyog si Marco dahil nagpapakitang gilas ang karakter niya kay Janella.Habang si Julia ay pulang pula na sa kakabilad nito sa araw at kamuntikan pang makainom ng tubig-dagat sa ikatlong take ng eksena niya.

Alas otso na ng gabi ngunit patuloy parin sila sa kanilang trabaho.Nagmamadali nga rin sila sa pagkain dahil marami pa silang gagawin,
may darating din kasing panibagong aktor sa susunod na araw kaya pinaghahandaan din nila ang mga kakailanganin para dito.

Sa kasalukuyan ay nagpatulong si Jane kay Josh at Emily para ipaghanda ng kape ang kanilang mga guests,kagaya nga ng sinabi niya kay Markus kaninang umaga.

"Ayos na lahat.Dalhin na natin to sa kanila." Sabi niya sa dalawa.

Nasa tatlong trays ang dala nila at tag isa-isa sila pareho.

"Oh time out muna mga boss,kape muna kayo." Sabi ni Josh at saka ipinamahagi ang mga tasang naglalaman ng kape.

"Oy salamat!"

"Sakto dahil para na akong may amats sa antok."

"The best kayo!Salamat sa pakape."

Tuwang tuwa ang mga staffs sa handog nila.Si Jane ay naglalakad papunta sa kinaroroonan ng mga main characters sa pelikula na nagbabasa sa kanilang scripts.

Nagsalubong kaagad ang mga mata niya at ni Janella.
Napatingin ito sa dinadala niya at akmang tatayo na sana nang nauna si Markus na salubongin siya.

"Wow you're a woman of your word.Thank you again for this." Sabi ni Markus at inalalayan ito.

Napataas ang kilay ni Janella sa kaniyang nasisilayan.
Wala kasi itong kaalam alam na nag uusap pala ang dalawa ng hindi niya nalalaman.

"Wala yon,nakita ko kayo kanina,alam ko ang hirap at pagod niyo."

"Aww you're so thoughtful." Sabi ni Julia.

"My love." Sambit ni Markus nang inabot nito ang kape kay Janella.

Hindi lang si Jane ang nagulat nang marinig iyon,maging si Julia ay napatingin sa dalawa,ngunit ang pinagtataka niya ay tumingin din ito sa kaniya na parang may pinapahiwatig na di niya maunawaan.

Aminado itong may kirot sa kaniyang dibdib pero kailangan niya itong balewalain.

"Don't you ever say that again!People might take that seriously.Stop misleading them." Naiiritang pagsaway ni Janella.

"Sorry."

Tinanggap man ni Janella ang bigay niya ngunit kapansin pansin ang pagkahiya sa mukha ni Markus.

Nang tanging paghigop na lamang ng kape ang naririnig ni Jane.Nagdesisyon na itong magpaalam.

"Uhm..alis na ako ah.Pag may kailangan kayo,
andiyan ang mga staffs namin buong magdamag handang umalalay sa inyo."

Ngumiti si Jane saka tumalikod paalis.

Hindi pa kalayuan ay narinig nito ang pagtawag ni Janella sa kaniya.Agad niya namang liningon ito.

"Janeh!"

"Jea,bakit?"

"I'm cold." Nakanguso na sabi nito na para bang nagpapalambing.

"Do you have a jacket?" Tanong ni Janella.

"Jacket?Ah oo,pero nasa room ko e.Gusto mo kunin ko na lang tapos ihahatid ko dito."

Message In A BottleWhere stories live. Discover now