CHAPTER 8

279 14 0
                                    

Jane's POV

Alam niyo ba yong pakiramdam na gusto mong manigaw?Manapak,magwala o sumabog sa galit?Kunting konti na lang talaga at may ibabaon na ako sa lupa.Kanina pa ako inis na inis dito sa best friend kong parang linta — dikit nang dikit sa'kin.Ang kulit pa,paulit ulit nagtatanong kung may problema ba ako at kung ano ang nangyayari sa'kin.Sa ginagawa niyang to,pakiramdam ko tuloy may kung ano ngang nangyayari kahit wala naman.
Well,maliban na lang sa pag iwas ko kay Jea.Lampas isang linggo na nga ang nagdaan nang huli kaming nagkausap.Sinadya ko kasi talagang magpakabusy para hindi kami magtagpo.Hindi ako sumasabay sa kanilang kumain,tinanong ko rin si Ali sa schedule at free time niya para siguradong walang moment na magaganap.
Alam ko minsan nakatingin siya sa'kin,at gusto niya akong lapitan pero gumagawa talaga ako ng paraan para di matuloy,kunwari lalakad ako,iiwas ng tingin,lalayo,kunwari may kinakausap.Basta kahit ano na!Naiinis parin kasi ako sa babaeng yon.Ang labo niya,iba ang kilos sa sinasabi.Kaya bahala siya!

“Hoy!Parang artista to,di na lang talaga sumagot ng diretso!”

“At ikaw parang sirang plaka!”

“Miss ka na ni Jea mo,balik ka na don di na kami galit kahit napaka ano mo.”

“Miss niya mukha niya.”

“Huli ka!”

Siniko niya ako at ngumiti na parang baliw.

“Nag away kayo?” Tanong niya.

“Nakita mo kaming nag away?Diba hindi?”

“Ano nga?”

“Chismoso ka talaga no?”

“Ba't ayaw mo kasing sabihin?”

Ang sarap talagang upakan tong lalaking to!Ano bang gusto niyang marinig?Na naiinis parin ako tuwing naaalala ko yong nakita ko?Na parang gusto kong sabunutan si Jea dahil kung sino sino na lang niyayakap niya?Yon ba?

“Josh,please.Wag na makulit.”

Tiningnan niya akong maigi.Pusta ko'y binabasa na naman niya ako.

“Janeh,best friend mo 'ko,kilalang kilala kita.Kung ano man yang ayaw mong sabihin sa'kin ngayon,sana naman wag mong hayaang masira niyan ang mga magagandang bagay.”

Sa puntong ito'y seryoso na si Josh.Hindi ko man gustong aminin pero alam kong tama siya.Hindi ko pwedeng iwasan lahat ng mga ayoko,mga ayokong makita,mangyari,
maramdaman,dapat harapin ko lahat yon.

Siguro kailangan kong matutunan paano kontrolin ang emosyon ko.

Ito lang din kasi ang alam kong paraan kapag hindi ako okay — ang umiwas,lumayo,para pakalmahin ang sarili.Ayokong makagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko rin sa huli dahil nagpadala ako sa emosyon ko.

“Ano bang meron mamaya ba't mo ko inaaya?”

“Salo-salo lang,birthday ni Paolo.”

Paolo?Teka…hindi kaya siya yong…Anak ng!Ang bobo ko naman eh!Malamang sa malamang siya yon!

“Close na kayo?Di ka na nagseselos sa kaniya?”

“Ba't ako magseselos don?Mabango lang yon tingnan,lamang lang ng konting paligo pero mas gwapo parin ako sa kaniya.”

“Yabang ah!Kala mo pipiliin ni Julia.”

“Ang sakit mo namang magsalita,pero sama ka mamaya ah may inuman daw tapos sabi ni chef Ton ang sasarap daw ng pinahanda.”

Ang sarap namang pakinggan non.Gusto ko na tuloy bumilis ang oras.

“Yon naman pala ba't di mo inunang sinabi yan?Kala ko ba kilala mo ko?”

Message In A BottleWhere stories live. Discover now