CHAPTER 20

270 20 6
                                    

Yakap yakap ang kaniyang sarili,nangingig at wala pa sa hustong kamalayan,iminulat ni Jane ang kaniyang mga mata.Hindi niya batid kung nasaan siya dahil wala itong maalala sa nangyari kagabi.Sinubukan niyang gumalaw at bumangon ngunit parang binibiyak sa sobrang sakit ang ulo niya,tila umiikot ang paligid niya at tanging isang pamilyar na imahe lamang ang kaniyang natanaw ngunit hindi niya mawari kung sino iyon.Nakahawak sa kaniyang ulo,sinubukan niyang pumikit saka dahan dahang ibinukang muli ang kaniyang mga mata.

“Oh Janeh,gising ka na pala.” Rinig niyang wika nito sa kaniya nang nilingon siya nito.

Bakas sa mukha ni Jane ang pagkalungkot at pagkadismaya nang si Josh at hindi ang taong gusto niya sanang makita ang bumungad sa kaniya.

“Umalis na sila kaninang umaga.” Dagdag ni Josh dahil alam nito na magtatanong si Jane tungkol sa kaibigan niya kahit hindi naman na lingid sa kaniyang kaalaman na itong araw na ito ang araw ng kanilang paglisan sa isla.
Umaasa lang talaga siyang baka pwedeng ipagpaliban na muna — isang araw lang,isang araw pa — baka matanggap na niya,ngunit wala.Hindi iyon ang nangyari.Ito na ang riyalidad — ang masakit na riyalidad na tumambad sa kaniya kasabay ng kaniyang paggising.

Sumisikip man ang lalamunan,pinilit ni Jane na magsalita.

“Anong ginagawa ko dito sa kwarto ni Jea?”

May halong kirot at pangungulila ang tono ng kaniyang boses sa pagbanggit niya kay Janella dahil muli na naman itong pumasok sa kaniyang isipan.

“Wala kang naaalala?” Usisa ni Josh.

Umiling si Jane.

“Sabi niya pumasok ka raw dito kagabi,lasing na lasing.Kaya ayan,siya ang nag alaga sayo buong gabi.Binilin ka niya sa'kin bago sila umalis.” Pahayag ni Josh at tinuro kay Jane ang damit na suot niya na hindi sa kaniya.

Nang mapansin niyang hindi nga sa kaniya ang sweater at pajama na suot niya,nabalot ng pagtataka ang expression nito.

“Bakit siya?Diba sabi ko sayo bago ako uminom na ikaw ng bahala sa'kin?” Tanong ni Jane.

Ang naaalala niya lang ay ang mga nangyari bago siya malasing.Hindi niya alam kung paano siya napadpad sa kwarto ni Janella dahil iniiwasan niya nga ito kagabi.Kaya siya naglasing ay para pansamantala muna niyang hindi maramdaman ang sakit.

Huminga ng malalim si Josh at kalmadong inihayag kay Jane ang mga pangyayari.

“Halo halo na ang mga nainom mo,ang kulit mo pa.Sayaw ka nang sayaw,lakad ka nang lakad at hindi ka nagpapapigil sa'kin.
Pinagsabihan din kita na tama na pero wala.
Ang nagawa ko na lang ay siguraduhing hindi ka mawala sa paningin ko.Ewan ko kung anong nakain mo,basta bigla ka na lang naglakad paalis,kaya sinundan kita.Alam mo ba kung anong ginawa mo?”

“Malamang hindi.Wala nga akong maalala diba?” Pamimilosopong sagot ni Jane.

“Sinigawan mo ko.Ang sabi mo wag kitang susundan.Ayoko na!Pagod na ako.Matutulog na ako! ” Pagsasalaysay ni Josh at natawa sa panggagaya niya sa pagkasabi ni Jane nong gabing iyon.

Humigang muli si Jane at tinakpan ng kumot ang mukha niya.

“Kumain ka na nang makainom ka ng gamot.
Tanghali na.” Sabi ni Josh ngunit hindi umimik si Jane.

“Jane…alam kong nasasaktan ka.Masakit para sayo ang pag alis niya,pakiramdam mo iniwan ka niya…pero sana alam mo na hindi ka niya gustong iwan.Kita ko sa mga mata niya na gusto niyang manatili dito.Sayo.Kaya lang hindi pwede,may trabaho siya,may anak at career siyang inaasikaso.” Rinig ni Josh ang paghikbi ni Jane ngunit pinagpatuloy nito ang kaniyang nais sabihin.

“At kahit na sabihin nating pareho kayo ng nararamdaman,hindi sapat ang panahong nailaan para sa inyo,at hindi rin pwedeng basta basta na lamang siyang magdedisisyon.
Kailangan niya munang pagtimbangin at pag isipang mabuti ang lahat.Ganon din sayo.
Pwede parin naman kayong magkita,sikat siya,madali mo siyang mahahanap.Malay mo,pag handa na kayo pareho,tama na ang panahon,baka pwede ng maging kayo.Kaya bumangon ka diyan at wag kang magpabaya sa sarili mo.Maaaring sa tingin mo,ito ngayon ang katapusan,ngunit sa kabilang banda'y pwede ring ito ang simula.” Dagdag niya.Tumabi ito kay Jane na binaba ang kumot sa kaniyang baba.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now