CHAPTER 21

268 23 8
                                    

7 MONTHS LATER

Nostalgia — ito ang nararamdaman ni Janella habang papalit siya sa Sunshine's island.Ilang buwan naman din ang lumipas,ngunit sariwa parin sa kaniya ang alaalang iniwan niya sa isla.Kaya nasasabik siyang bumalik dito.Sa lumipas na mga buwan ay naging abala ito sa kaniyang trabaho,naging successful ang pelikula nila at humakot ito ng iba't ibang awards. Pagkatapos namang mapalabas ang pelikula,ilang linggo lamang ang pahinga nito bago siya nagsimulang mag ensayo para sa mini concert niya,kasama si Markus at ilang musikero sa industriyang kinabibilangan niya.

Kaya naman nang mabigyan ito ng konteng panahon at break sa kaniyang trabaho,inilaan niya ang kaniyang oras at atensyon sa kaniyang anak at sarili.Isa rin sa pangako niyang nais niyang matupad ay ang makabalik ng isla para bisitahing muli ang kaniyang kaibigan.

Wala itong balita kina Josh at Jane.Hindi siya sigurado kung andirito pa ba ang matalik na magkaibigan o wala na.

Ngunit nagbabakasakali itong andito parin sila.Dahil marami pa siyang gustong gawin sa isla kasama si Jane,ganoon din ang mga salitang hindi nito nasabi sa kaniya dahil hindi pa ito handa noong mga oras na iyon.Kaya kung mapagbibigyan,at kung aayon sa kaniya - o sa kanila ang tadhana sa pagkakataong ito,tiyak na hindi na niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kaniya.

"Jea,andito na tayo." Wika ni Ali na nagpabalik sa kaniyang huwisyo.

Kasama niya ang manager niyang si ali at ang captain ng yate.Nilibot ng mga mata nito ang isla.Kapansin pansin ang pinagbago nito,ngunit nanatili parin ang pagiging maganda ng isla.Hindi niya na rin namumukhaan ang mga staff na bumati sa kanila.

"Magandang tanghali and welcome to Sunshine's Island." Masiglang bati ng isang dalaga na pakuwari ni Janella ay ang mag aassist sa kanila.

"I'm Danica.Tour guide po ako dito.Pwede ko po bang malaman kung anong kailangan nila?Baka may maitulong ako."

Tinanggal ni Janella ang sunglasses na suot niya at pinakilala ang sarili at mga asama niya.

"Hi,I'm Janella.And this is Ali,and Gustavo." Kinawayan ni Danica ang mga ito at ngumiti.

"Hello po." Pagbati nito sa kanila.

"Uhm...Danica...do you know Jane?"

"Si ate Jane po?Yong dating tagapamahala po ba dito ang tinutukoy niyo?"

"Yes.Is she still here?Wait...Dating tagapamahala?"

Tumango si Danica at nagbigay ng detalye.

"Matagal na po siyang umalis dito,yong ate Carmen ko po ang pumalit sa kaniya."

Tila bumagsak ang enerhiya sa katawan ni Janella nang marinig nito ang sinabi ni Danica.Bakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya at pagkalungkot. Kaagad itong napansin ni Ali kaya hinawakan nito ang balikat ni Janella bahagya itong ngumiti sa kaniya.

"Bakit po?Kaano ano niyo po si ate Jane?" Tanong ni Danica makalipas ang ilang minuto.

Si Ali ang nagsalita para kay Janella.

"Ah...mga kaibigan niya kami.We stayed here ng mga ilang buwan para sa ginawa naming pelikula.Gusto lang sana namin siyang kumustahin...si Josh din ba wala na rin dito?"

"Wala na rin po eh.Pero sa next month po,petsa bente ay anibersaryo po ng isla.Marami po kaming special offers sa mga guests at turista.Andito rin po ang may ari dito.Baka makabisita sina ate Jane at kuya Josh." Pahayag ni Danica.

Nabuhayan naman si Janella nang marinig niya iyon.

"Talaga?Bakante ba ang room 13?"

Room 13 — ang dati niyang silid.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now