CHAPTER 17

227 23 10
                                    

Masayang nagkukwentuhan sina Paolo,Marco,
Julia,Josh at Jane na inaaliw ang kaniyang sarili habang inaantay matapos ang dinner date nina Markus at Janella.Kani-kanina lang nang pakiusapan ni Jane si Janella patungkol nga sa dinner date nito kasama si Markus.Sariwa pa sa alaala niya ang naging reaksyon ni Janella,sa kauna-unahang pagkakataon nataasan siya nito ng boses.

'Nahihibang ka na ba?' Muling umalingawngaw ang boses ni Janella sa kaniyang isipan,kaya't di niya mapigilang matawa sa kaniyang sarili.

“Hoy!Wala namang nagjoke,ba't ka tumatawa diyan?” Tanong ni Josh na nagpabalik sa kaniya sa katinuan.

“Are you with us Jane?” Dagdag ni Paolo.

Nakatuon ang mga mata ng apat sa kaniya at pare-parehong nagpipigil ng kanilang tawa lalo na si Marco na tinaguriang bully sa kanilang lahat.

“A-ano bang pinag uusapan niyo?”

Sa tanong na yon ni Jane ay nabalot nga ng tawanan ang terrace kung saan sila nakatambay.

“Marco's first heartbreak.” Sagot ni Julia na siyang ikinabagsak ng balikat ni Jane.

Napakamot na lamang ito sa kaniyang ulo saka umiling para iwaksi kaniyang pagkahiya.

“Oh usap na ulit kayo.”

Buti na lang at hindi na ito tinukso ng mga kasama njya,tanging mga tingin na lamang at pamatay na smirk ni Paolo na parang binabaon siya sa lupa.

Kunwari'y nakikinig sa kwentuhan,ngunit ang totoo'y panay nakaw tingin si Jane kina Markus at Janella,mula kasi sa terrace ay kahit paano'y matatanaw mo parin ang kinaroroonan ng dalawa kahit di mo sila gaanong makita at marinig dahil sa layo at madilim na rin ang paligid.Lingid sa kaalaman niya ay sinusundan ni Josh ang kaniyang mga tingin,at hanggang sa naramdaman niyang may humihila ng kaniyang buhok.

“Aray!” Daing nito saka siniko si Josh sa tagiliran.

“At nagising ka rin!Ayan!Ganyan lang dapat,
nang di ka lumulutang diyan.” Ani ni Josh.

“Alam mo ikaw talaga!” Gigil na sabi ni Jane.

“Oh ano?” Panghahamon ni Josh sa kaniya.

“Hindi ba pwedeng may iniisip lang ha?”

Pagdadahilan nito kay Josh na punong-puno ng pang aasar ang tingin.

“Asus!Isip ka nang isip tapos yong mga desisyon mo ang lalabo naman.”

Pinanlakihan niya ito ng mata saka kinurot ang tenga nito ng malakas at saka lamang binitawan ng mamula mula na ang mukha ni Josh sa katitiis sa sakit.

“Ang sakit non ha!” Tugon ni Josh habang hinahagod ang tenga niya.

“Siguro naman titigilan mo na ako.”

“Napakamapanakit neto.Porket nasasaktan…Aray!”

Kaagad na hinawakan at tinakpan ni Josh ang ilong niyang pinitik ng malakas ni Jane

“Diyan ka na nga!”

Napipikong wika ni Jane saka siya tumayo at nagtungo sa may duyan ilang metro mula sa terrace sa pag aakalang hindi na siya guguluhin ni Josh.

Napagpasyahan niyang doon na lamang niya aantayin si Janella gaya ng napagkasunduan nila pagkatapos ng dinner date.Nakahinga ito ng maluwag nang hindi siya sinundan ng butihin niyang best friend.

At sa katahimikan,muli na naman siyang napaisip kung tama ba ang ginawa niya.

Tumulong lang naman ako.

Para rin naman sa kanila yon.

Palagay niya naman ay tama naman ang naging desisyon niya,para lang niya lang namang inuntog ang ulo niya sa bato.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now