CHAPTER 6

266 17 2
                                    

Makulimlim ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin.Natapos ng mag agahan ang iilan,ang iba'y tulog parin.

Sumabay kina Jane at Josh sina Julia,Marco at iba pang staffs at crew na nagising nang maaga.

Si Julia ay kanina pa naiinip dahil nilock ni Janella ang room kaya di ito nakapasok.Nilibang na lang nito ang sarili kasama sina Marco at Josh na naglalaro ng sungka.

Abala naman si Jane sa pagpupunas ng mga pinaghugasang plato,baso,atbp..nang makita nitong papalapit si Markus na mukhang kakagising pa lang.

“Morning,may pagkain diyan,kain ka na.”

“Thanks,nagising nga ako sa gutom.Nakita mo ba si Jea?” Tanong ni Markus habang kumukuha ng makakain niya.

“Hindi pa nga e.”

Sakto namang dumating si Janella.

“Jea,andiyan ka na pala.Gusto mo ipaghanda kita ng makakain?” Masayang bungad ni Jane sa kaniya.

Pilit nitong sinuklian ang sigla ni Jane ngunit hindi niya maiwaksi ang sama ng pakiramdam niya.

Nananakit ang kaniyang katawan at parang mabibiyak na ang kaniyang ulo.

“Can you give me water,Janeh?”

“Sige,upo ka muna.”

Sumunod ito sa sinabi ng kaibigan niya.

“Jea,are you okay?You look pale.” Nag aalalang tanong ni Markus.

“Oo nga,Jea.Ayos ka lang?” Lumapit si Jane sa kaniya para iabot ang baso ng tubig.

“Ang sakit sakit ng ulo ko,Janeh.” Matamlay nitong sagot.

Nilapat ni Jane ang likod ng palad niya sa noo ni Janella maging sa kaniyang leeg.

“Mainit ka.Halika samahan kita sa room mo,
magpahinga ka muna.”

“Do you have medicine?” Tanong ni Markus kay Jane.

Tumayo ito at kaagad lumapit sa tabi ni Janella.

“Oo ako ng bahala.Tara na,Jea.Dadalhan kita ng pagkain para pagkatapos pwede ka ng uminom ng gamot.”

“Janeh,I don't wanna eat.Pakiramdam ko isusuka ko lang.”  Dahan dahan itong tumayo habang nakaakbay kay Jane.

“Ah Markus?” Pagtawag ni Jane sa kaniya.

“Yes,anything I can help?” Mabilis na sagot nito.

“Pwedeng pakitawag si Josh?Sabihan mo na magluto ng sopas,pati yong watermelon sa ref pahiwa na rin,please.”

“Sige,tutulong din ako.”

“Salamat.”

Naglalakad ang dalawa pabalik sa room ni Janella.
Nahihirapan itong maglakad ng maayos at panay ang hawak sa ulo sa tuwing nakakaramdam ito ng pagkirot.

Inalalayan ito ni Jane at hiniga sa kama nito.

“Pinagpapawisan ka,magpalit ka muna ng damit,Jea.Saan ba dito nakalagay ang mga damit mo?”

“I'm cold,Janeh.I don't wanna take this jacket off.”

“May sakit ka lang,naging englishera ka na.Dali na,Jea.”

“Ayoko ngang tanggalin e.” Nakangusong angal nito.

Hinawakan nito ng mahigpit ang jacket na suot niya saka kunwaring tumingin ng masama kay Jane.

“Osige na,papalitan lang natin yang t-shirt na suot mo.Okay ba sayo yon,Jea?” Malumanay na Sabi ni Jane.

Tumango lang ito at bahagyang napangiti.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now