CHAPTER 23

221 13 5
                                    


Pasulyap sulyap lang at tamang ngiti sa isa't isa sa tuwing magtatama ang tingin nina Jane at Janella.Pagtapos ng hapunan,kaagad sinimulan ang mga aktibidad na inihanda para sa mga bisitang dumalo.

Masayang pinapanuod ni Janella si Jane na nasa harap ng stage na seryoso sa pag arte sa salitang nabunot niya kasama si Josh na pilit iniintindi ang nais ipahiwatig ng matalik nitong kaibigan.

She looks ever more beautiful now.My Janeh is so stunning.Bulong ni Janella sa kaniyang sarili.Ang kaniyang mga mata'y nakatuon lamang sa taong kay tagal niyang inintay na muling masilayan.

She cuts her hair short.Kumento niya.Hindi ganoon karami,ngunit,nagkaroon nga ng pagbabago kay Jane magmula nong huli niya itong nakasama.Ang dating mala alon sa dagat na umaabot sa bewang nitong buhok,ngayon ay hanggang balikat na lang.Mas naging makinis rin ang balat niya't higit sa lahat,ang una at pinakanapansin ni Janella,ay ang kinang sa mga mata ni Jane - punong puno ng saya.
Ibang iba ito kumpara dati,na may halong takot pag aalinlangan,at tinatagong lungkot.

Gustong gusto nang lapitan at kausapin ni Janella si Jane,naghahanap lamang siya ng tiyempo na kung saan makakapag usap sila ng sila lang dalawa.

—————————————————————

Sakto alas dose ng hating gabi nang simulan ang disco,kaya't ang karamihan ay abala na sa pagsasayaw,habang ang iilan ay nag iinuman na sa gilid.

"Ma,wag ka masyadong uminom ah,bawal yan sayo alam mo yan." Paalala ni Jane sa kaniyang ina.

"Alam ko,wag kang mag alala,nak." Sagot ng ina niya saka tumayo."O siya,sasamahan ko muna ang kaibigan ko roon."

"Sige,ma." Ngumiti ito sa kaniyang ina na sabik na naglakad papunta sa dance floor.

Nang siya na lamang mag isa sa table niya,doon lamang napagtanto ni Jane na tanging siya at si Janella na lamang - na nakaupo di kalayuan mula sa kaniya - ang natira.

Biglang nakaramdam ng kaba si Jane.Kagaya ni Janella,nagpipigil lang ng din si Jane na lapitan siya,maliban sa maraming tao ang nakapalibot sa kanila kanina kaya hanggang sa simpleng pagbati lang ang kanilang nagawa,pareho rin silang nauunahan ng kaba.Ni hindi nga niya kayang titigan si Janella sa mata ng matagal dahil nahihiya siya.Isa rin sa mga dahilan ay sa tuwing tinititigan niya ito,bumabalik ang alaala niya sa sulat kaniyang nabasa.

Sa muling pagtama ng kanilang paningin,ang kaba sa kanilang dibdib,ang mga emosyong pilit kumakawala ay nagsusumigaw nang makawala.

Napakagat-labi si Jane at nanginginig sa kaba.Nanlalamig ang mga kamay,para bang nanghihina ang buong katawan nito,ngunit pinilit niyang tumayo.

Dahil,mag iiwasan na lamang ba sila?
Gaya ng dati,mas pipiliin parin ba nilang umatras na lang?O lumiko ng daan?

Ang mga paang sa bawat yapak ay nag aalangan sa pagsulong ang siyang pilit nilalabanan ni Janella.

Tinatanong sa kaniyang sarili,kung hahayaan na lang ba niyang maulit ang nakaraan.

Mauuwi lang din ba sa pagsisisi sa huli ang lahat?

Habang ang distansya'y unti unting naglalapit,ilang hakbang na lamang ang kakailanganin.

Konti pa,hanggang sa tama na.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now