CHAPTER 16

227 22 6
                                    

Pagkabalik nina Jane at Janella galing la confecio,hindi nila inaasahang matagpuan si Markus na nakatayo at malayo ang tingin ngunit ngumiti nang makita ang dalawa.
Lumapit si Markus at tinulungan silang bitbitin ang kanilang mga dala.Nagpasalamat si Jane sa kaniya habang si Janella naman ay ngumiti dito,saka nag umpisang naglakad ang tatlo.
Nasa kanan si Markus katabi ni Janella na siya namang nasa gitna,na kaliwa naman kay Jane.
Tahimik lamang ang tatlo habang naglalakad,
ngunit maririnig mo sa katahimikan ang mga ingay sa kanilang isipan.Una para kay Markus na inabot na lang ng paglubog ng araw kakatanong sa kaniyang sarili kung ano ang magiging resulta ng kaniyang balak gawin.
Pangalawa kay Janella na tila ba hindi mapalagay sa kaniyang naging desisyon.At pangatlo naman ay para kay Jane na nakakaramdam ng sobrang awkwardness kasama ang dalawa sa hindi na mapuntong dahilan.

Nang makarating sila sa kusina,inilagay nila ang dalawang bags sa mesa.Habang ang isang bag na naglalaman ng picnic mat ay pansamantala munang inilagay ni Jane sa ilalim ng mesa dahil balak niyang maghugas muna saka niya iyon dalhin sa labahan malapit lang sa room niya.

“Thank you ulit,Markus.” Wika nito.

Ngumiti si Markus sa kaniya saka tumingin kay Janella at muling mubalik ang tingin nito sa kaniya.

Pakiramdam ni Jane ay may namumuong tension sa kanilang tatlo ngunit inisip din niyang baka siya lang yon,na baka pakiramdam niya lang yon,kaya naman binuksan niya ang bag at kinuha ang mga kagamitang ginamit nila doon sa la confecio para makapagsimula ng maghugas dahil panigurado,maya maya'y may maghahanda na ng hapunan.Ginamit naman ni Markus ang pagkakataong iyon upang basagin ang katahimikan at ang mga katanungan sa isipan niyang kanina pa bumabagabag sa kaniya.

“If you don't mind,can I help you with the dishes?” Paglalakas loob ni Markus na tanungin si Jane.

Kaagad napataas ang kilay ni Janella nang marinig niya ang sinabi ni Markus.Mabilis niya ring sinulyapan si Jane upang makita niya ang reaksyon nito,ngunit gaya niya'y nagulat din ito at hindi nakapagsalita.Ilang segundo lamang ang lumipas nang magtama ang paningin nina Jane at Janella.Hindi lingid kay Janella ang emosyon sa mga mata ni Jane na para bang humihingi ng permiso sa kaniya,ngunit iba ang tumatakbo sa isip ni Janella,at sa pagkakataong ito,hindi siya nagpapigil.

“Why?” Tanong ni Janella kay Markus.

She cringed.Hindi niya nagustuhan ang tunog ng pagkasabi niya — I didn't mean to make it sound bitter.

“Uhm…I actually have to talk to you.” Sinagot Markus ang katanungan ni Janella,ngunit si Jane ang tinutukoy niya dito.

Hindi na tinanong ni Jane kung ano ang dahilan at para saan ang kanilang pag uusap dahil may ideya na ito.

Nang hindi tumanggi si Jane,hindi na rin nang usisa pa si Janella.

“Is that so?”

Tumango si Markus sa tanong ni Janella.

“Okay,I'll do the dishes para makapag usap kayo.”

Bukal sa kalooban ni Janella ang sinabi niya at humarap kay Jane para kunin sa kamay na ang hawak na baso ni Jane.

“Ako na bahala dito,itong isang bag,saan ko ba to dadalhin?”

“Sigurado ka?” Tanong ni Jane sa kaniya.

“Oo naman,Janeh.Basic lang to ano ka ba.”

“Okay,may lalagyan ng labahan don malapit lang sa direksyon ng room ko,iwanan mo na lang yan don,Jea.”

“Okay ma'am.Copy po.” Pabirong reply ni Janella na nakatanggap ng mahinang hampas mula kay Jane.

“Maiwan ka na namin,galingan mo,Jea.”

Message In A BottleWhere stories live. Discover now