CHAPTER 9

258 22 5
                                    

Jane's POV

Kinantahan namin si Paolo ng birthday song at nagpaabot din ng konteng mensahe ang mga malalapit na kaibigan niya,maging ang mga kasamahan niya sa trabaho.

"Happy Birthday!" Sigaw namin matapos niyang hipan ang candle.

"Okay guys,we'll have a lot of fun games tonight,and we also prepare something special to remember to all of you.Let's enjoy the party everyone!But for now,let's not make the food wait.Kainan na!"

Nasa dulong parte ako ng long table,katabi si Jea,ewan ko ba dito bakit dito siya nakaupo na yong mga kaibigan niya naman nasa unahan malapit sa stage.

Si Josh ay sa wakas,nahiwalay na rin kay Julia.Nasa harapan ko siya ngayon,masayang masaya sa pagkain.

"Jea,baka magtampo si Paolo sayo,ang layo mo sa kanila." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi yan,palagi ko naman silang nakakasama,ikaw hindi."

Ha?Anong ibig niyang sabihin?

"Janeh,wag ka munang magpapakabusog ha,antayin mo mamaya yong mga desserts,
tapos may ice cream din,paborito mo."

Alam na alam talaga nitong best friend ko na to kung paano ako kunin.

Nasaan na ba ang ice cream?

"Oy excited." Pang aasar ni Josh.

Di ko na pinansin dahil lalo lang akong pagtitripan non.Tahimik lang akong kumakain habang ang iba ay rinig kong nag uusap at nagkakasiyahan na.Panay ang nakaw tingin ni Markus kay Jea,pero itong katabi ko ay walang pakialam,nakapokus lang sa pagkain niya.

"Jea."

"Uhm?"

"Kanina pa panay tingin sa'yo si Markus,bakit di ka kasi don umupo?"

Napatingin siya sa'kin at sa direksyon ng ex niya na nahuli niyang nakatingin nga sa kaniya.

"I already told you the reason why,diba?"

"Oo nga pero kahit na.Ayaw mo ba siyang makasama?"

Nakita ko kung paano niya ako tiningnan sa mata na para bang may kinukubli ito.Para siyang galit pero kalmado naman,hindi malungkot pero hindi rin masaya.

"Are you bothered sa mga stares niya sa'kin?"

"Hindi naman sa ganon,Jea."

"Then what,Janeh?"

Hindi galit o pasigaw ang pagkatanong niya pero ramdam ko ang tulis nito.

Ang hindi ko lang maintindihan sa kaniya ngayon,bakit umaasta siyang di sila magkakilala?Na kung tutuusin parang kailan lang nang magyakapan sila,kanina lang masaya silang nag uusap,at kahit tapos na ang eksena nila nong nakaraan,pag nahahagip sila ng paningin ko,okay naman sila,magkasama pa nga lagi.

"Wala Jea." Maikli kong sagot saka yumuko.

Ayokong magtama ang mga tingin namin,kung pwede lang sanang umalis na ako dito,ginawa ko na.

"Janeh."

Mahinahon niyang tinawag ang pangalan ko at humawak sa aking kamay.

Hinayaan ko lang siya,hindi ako kumibo.

"Just let me be with you,okay?And can we not talk about him when we're together,please?"

Biglang may namumuong luha sa gilid ng mata ko,ang hina ko talaga pagdating sa kaniya.Kahit ang labo niya,ang labo ng sitwasyon,ang labo ng lahat,makasama ko lang siya sandali,
iparamdam niya lang sa'kin na gusto niya rin akong makasama,nabubura lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now